Maraming nanghihinayang sa pelikulang Mujigae, starring ang Korean drama star na si Kim Ji-soo.
Hindi raw ito gaanong pinansin ng local fans.
Nabigyan ng PG rating ang Mujigae ng Movie and Television Ratings and Classification Board (MTRCB).
Kasama ni Ji-soo sina Alexa Ilacad at ang sumisikat na batang aktor na si Ryrie Sophia sa pelikula.
Samantala, Rated PG din ang mga pelikulang The Wild Robot, Alien Country, Japanese animation na Bocchi the Rock: Recap Part 1 at The Forge.
Sa PG rating, dapat kasama ng mga edad 12 pababa ang kanilang magulang o guardian sa loob ng sinehan.
Restricted-13 (R-13) rating ang natanggap ng Bagman at Aftermath.
Mga edad 13 at pataas lamang ang puwedeng manood sa kumpas ng R-13.
“Ating ipinapaalala sa ating mga magulang na gamiting basehan ang mga angkop na klasipikasyon sa mga pelikula para tukuyin ang palabas na tiyak ay kapupulutan ng tuwa at aral ng ating mga kasamang bata,” sabi ni MTRCB Chair Lala Sotto-Antonio.
Bukas, Miyerkules ay magpapalit na naman ng mga pelikulang palabas sa mga sinehan.
At kabilang sa ipalalabas this week ang Balota ni Marian Rivera na nauna nang naipalabas sa Cinemalaya at ang Guilty Pleasure ni Lovi Poe. (SVA)