^

PSN Showbiz

Aktor na kakandidato sa mataas na posisyon, may karanasan sa girl, bakla, tomboy!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nung in-announce ng veteran actor na tatakbo siya sa isang mataas na posisyon sa kanilang probinsya, may mga naglalabasang kuwento tungkol sa kanya.

Totoo naman sumagot itong si aktor, lalo na kapag kumportable siya sa ilang kaibigang reporter na nakakausap niya.

Hindi niya itinatangging ang namagitan sa kanila ng ilang kilalang showbiz personality, na ang ibang bading doon ay nakarelasyon niya.

Pero yung mga one night stand sa iba pang taga-showbiz ay pinagtatawanan na lang niya.

Hindi niya inamin, pero hindi naman niya itinatanggi ang nakaraan sa kanila ng isang magaling na bading na direktor.

Kayo na ang bahalang umintindi. Pero ang ikinaloka namin ay pati ang co-actor niyang isang kilalang aktres na may pagka-tomboyita ay meron din daw nangyari sa kanila.

Nakasama niya ito sa isang teleserye, at umabot yata sila sa lock in taping. Kaya puwedeng merong nangyari.

Ang nakakaloka lang sa aktor na ito na papasukin na ang pulitika, ang dali-dali niyang makadagit ng gusto niyang makatsugihan. Kahit may pagkalesbiyana ay go na go pa rin sa kanya!

Daming offer... Pokwang, ayaw na ayaw sa pulitika

Napag-usapan na rin lang ang pulitika, sandali naming nakatsikahan si Pokwang sa nakaraang premiere night ng pelikulang Balota ni Marian Rivera na magso-showing na sa mga sinehan bukas, October 16.

Isa ang Kapuso comedienne/TV host sa maagang dumating sa premiere night nito sa Gateway Cinema noong nakaraang Biyernes, at tinapos niya talaga ang pelikula na sobrang natuwa at nagali­ngan kay Marian.

Tinanong namin siya roon kung nag-file ba siya ng COC, dahil isa siya sa pinag-usapang tatakbo raw bilang konsehal sa Antipolo.

Napailing si Pokwang!

“Hindi!” kaagad niyang sagot sa amin. Pero marami na raw talagang kumukumbinse sa kanyang pasukin ang pulitika.

“Dati pa mga 2007. Pero hindi e, hindi ko linya yan. Ayoko!’ pakli niya.

Wala raw talaga sa isip niyang maging pulitiko.

“Wala e. Puwede ka namang tumulong nang hindi ka nakaposisyon di ba?

“Pero okay lang yan. Blessed naman ako sa buhay, nakakaluwag-luwag ‘ika nga.

“Puwede ka naman tumulong kahit sa maliit na paraan di ba? Nang hindi ka papasok sa….sa akin lang yun ha? Pero kung sa tingin ng iba na mas malawak yung maibibigay nilang tulong kung nakaposisyon sila, why not? Karapatan nila yun. Pero ako, okay na ako. Ayoko na,” pagdidiin pa ni Pokwang.

Sayang pala at hindi na namin nakunan ng reaction si Pokwang tungkol sa bagong segment ng TiktoClock na Quizmosa.

Kahapon lang kami nakakuha ng press release tungkol sa bagong segment na ito na parang game sa mga marites.

Makiki-chismis ka na raw may cash prize ka pa!

Abangan daw ito sa TiktoClock kung paano manalo sa Quizmosa, at kung sinu-sino ang mga celebrity na makikisaya sa bagong larong ito.

Parehung-pareho ang title sa bago at kauna-unahang gossip quiz show sa TV 5 na iho-host ni Ogie Diaz.

Magsisimula na ito next week, pero tila naunahan na ito ng TiktoClock.

May ilang taga-TiktoClock ang napagtanungan namin at matagal na raw nila itong binubuo at naisip ang ganung title.

Paano kaya yan?  Mapipilitan kayang palitan itong programa ni Ogie Diaz?

As of this writing, hindi pa ako nasagot ni Ogie nang hiningan ko siya ng reaksyon.

Nasabi lang niya sa isang kaibigan na naloka lang daw siya nang nakita niyang pina-plug na ito sa mga shows ng GMA 7 ang bagong segment sa TiktoClock na kapareho ng title ng bago niyang show.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with