^

PSN Showbiz

Mga kinokolekta nina Heart at Marian, mukha raw Devil!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Mga kinokolekta nina Heart at Marian, mukha raw Devil!
Marian Rivera

Mababasa ang comment ni Heart Evangelista na “Twins tayoooooo gandaaaaa” sa Instagram post ni Marian Rivera na picture nito na may suot na bag at may Labubu bag charm. Ibig sabihin ni Heart, may kapareho siyang bag charm gaya ng kay Marian. Sinagot ni Marian si Heart ng emoji na red heart ang eyes.

Kaya ang request ngayon ng mga fans, mag-Labubu collab sina Heart at Marian. Mag-TikTok o video raw sila kasama ang Labubu collections nila at baka marami pa silang magkaparehong Labubu dolls.

Hindi lang maiwasan na ang positive ng comment ni Heart at ang sagot ni ­Marian, may mga hindi pa rin natuwa.

Matagal ng okay sina Marian ar Heart kaya ‘wag na raw haluan ng nega ang positive exchange ng mga reyna ng GMA.

Natawa lang kami dahil pati Labubu, idinamay ng mga netizens. Mukhang demonyo raw ang doll at hindi niya alam kung bakit marami ang may gusto at collector. May umaarbor naman ng Labubu kina Marian at Heart para raw sa sister niya.

In fairness, mahal ang Labubu bag charm at sabi sa Google, mahigir 3K ang presyo at depende pa ‘yun sa klase ng Labubu. Mas mahal tiyak ang Pop Mart dolls na kinu-collect ni Marian at baka sumunod na si Heart sa pagku-collect ng mga dolls.

Ang wish pala ng mga fans, magpa-block screening si Heart sa Balota movie ni Marian na simula na ang showing sa October 16. Nagpa-block screening si Heart sa movies ni Alden Richards, sana raw pati sa movie ni Marian para magkita sila.

Samantala, ang dami namang nagbigay ng suporta kay Heart nang i-post niya ang “I didn’t lie … I said ILY @pandaongpaucoescudero.”

Ang feeling ng mga nakabasa, baka patama ito ni Heart sa dati niyang make-up artist na si Justin Louise Soriano  na nag-post ng “Pia never ever stole any contacts or whatever. Lalo na kami. We are only a glam team and hindi nga namin kilala ar close mga PR. Also Pia is Pia!” pagtatanggol ni Justin sa kliyente.

Sharon, napuri sa pagiging matigas sa pulitika

Pinost ni Sharon Cuneta ang post ng isang Gerry Cacanindin na bilib kina Sharon at asawang si Kiko Pangilinan. Binanggit pa nito kung bakit hindi tumatakbo si Sharon. Maganda ang ipinunto nung nagkomento gaya nang pagiging loyal ni Kiko sa Liberal party, makikita raw na may paninindigan ang mister ni Mega, hindi siya nabibili ng pera at hindi naiimpluwensyahan kung sina ang nasa puwesto.

“Kaya bagay sila ni Sharon. Si Sharon na kung tutuusin kapag tumakbo ay mananalo, but not once did she seek public office. Politically active but never once sought to be in politics.

“Si Sharon na may pedigree, being the daughter of long-time mayor Pablo Cuneta who served as Pasay Mayor for a total of 41 years, the longest in Philippine history.

“Sharon could’ve easily used the Cuneta name to become a politician herself, but no. She chose to remain where she is good at. In showbiz.

“Filipinos can learn a thing or two sa kanilang mag-asawa. Integrity, self-awareness, at tunay na malasakit sa tao. Sila yung hindi nagpapatinag sa takbo ng buhay at ihip ng pulitika. Because they have strength of character. Something that majority of politicians nowadays don’t have and never will have.”

Comment ni Sharon, “This has warmed our hearts, soothed our souls, given us such encouragement... Maraming salamat po, Mr. Gerry Cacanindin. I hope to meet you and shake your hand and give you a hug if you’d let me, real soon! God bless you.”

Marami rin ang pumuri kay Sharon na hindi talaga nito pinasok ang pulitika at hanggang ngayon, mas pinili ang showbis at kanyang pamilya. Saka, busy si Sharon sa taping ng Saving Grace kung saan, kasama nina sina Julia Montes at Janice de Belen.

Marian, parang tunay na anak si ashley

Anak ni Marian Rivera ang role ni Will Ashley sa Balota at kapag pinanood ang pelikula, simula bukas, malalamang bagay silang mag-ina. Para talaga silang magnanay, magkasama man sa eksena o nag-uusap lang sa phone.

Naging close rin sina Marian at Will at  “Mama Emmy” ang tawag ni Will kay Marian.

May TikTok sila na nagsayaw bago ang screening ng movie na ikinatuwa ng mga nakapanood.

Marami rin ang nag-congratulate kay Will na makasama sa nasabing pelikula at makatrabaho si Marian na kilalang nagiging malapit sa mga nakatrabaho.

May mga nagre-request na sa susunod na series ni Marian sa GMA, isama si Will, kahit daw hindi anak ni Marian ang kanyang role, basta makasama lang siya. 

vuukle comment

ACTRESS

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with