Movie produS sa MMFF tinotodo ang gastos

Kahit mahal ang pag-produce ng pelikula, hindi alintana ng mga producers ang milyong halaga ng proyekto lalo na ‘yung gumagawa ng para sa 2024 Metro Manila Film Festival.

Ayon sa isang source, ang pinakamabang gastos ng isang producer sa entry nito eh P50M habang ang pinamakamahal na gastos sa ginagawa ngayon para sa MMFF eh 90M, huh!

Hindi pa kasama  riyan ang gastos sa promotions, huh!

Of course, malaking event yearly ang MMFF lalo na ngayong 50th year na nito. At Pasko at Bagong Taon kaya may pera raw ang publiko!

Besides, ngayong lang uli mapapanood sa big screen ang gaya nina Vic Sotto, Judy Anne Santos, Lorna Tolentino, at Vice Ganda.

It’s time to celebrate kaya pawang malalaking movie ang dapat ihandog sa publiko, huh!

Barbie, ipinakita ang penthouse

Ipinasilip na ng GMA Primetime Princess na si Barbie Forteza ang behind the scenes sa Instagram sa latest movie niyang Penthouse 77 mula sa direksiyon ni Derrick Cabrido na nagdirek ng MMFF 2023 movie Mallari.

Makakasama ni Barbie ang award winning child actor na si Euwenn Mikael kasama ang senior actresses na sina Gian Pareno at Rossana Roces.

Mula sa panulat ni Joaquin Santos ang movie na produced ng GMA Pictures at Clever Minds, Inc.

Mas magaling na solo artist si Barbie na kayang magdala ng sariling movie!

Show comments