Vice, may suspetsa sa demolition job!

It’s Showtime hosts
STAR/File

Nagsalita ang TV host-comedian na si Vice Ganda tungkol sa diumano’y demolition job laban sa mga host ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Naniniwala raw siya na may gustong manabotahe sa kanya at mga kapwa niya host.

Isa na rito ang ispekulasyong hanggang katapusan na lamang ng taon sila mapapanood sa GMA kung saan maaalalang pinalitan nila ang programang Tahanang Pinakamasaya ng TAPE Inc.

Habang naintriga naman ang mister ni Vice na si Ion Perez na nabuntis daw nito diumano ang co-host niyang si Jackie Gonzaga, na agad niyang pinabulaanan.

Naniniwala si Vice ay meron talagang demolition job laban sa kanila na ginagawa sa social media na nagpapakalat ng fake news, pero hindi na raw nila sasabihin kung kanino iyon nanggagaling.

Ang mga gaya ng troll ay mga demolition job daw na merong masamang intensyon at balak.

Maaari raw meron silang kakayahan o nasa isang posisyon na gustong maranasan at makuha ng iba kaya kailangang subukan ng mga ito ang ganung ruta o gawain.

Ito raw maaari ang paraan para mabasag sila at makuha kung anong meron sila. Kaya kilangan daw nilang magpatuloy.

Pero sa kabila nito, nagpapasalamat daw siya sa pagtitiwala sa kanila ng ABS-CBN na patuloy silang tinutulu­ngan, tinatayo at ginagabayan.

Malaking bagay rin daw na matibay ang team nila sa rami ng pinagdaanan nila kaya pinananatili raw talaga nila na magkakasama para hindi sila manghina.

‘Yun daw ang essence ng team. Ganun. Bongga.

‘Pasko, pinakamasaya’

Siguro dahil mahal ako ni Mang Erning Lim ng UltraMega kaya nag-pledge agad siya sa hinihingi kong mga Christmas lootbags.

Medyo busy pa si Mayor Enrico Roque sa kampanya kaya hindi ko pa ginugulo sa aking solicitation.

Sure naman ako kay Avec Amarillo dahil every year walang palya ang Villar Group sa kanilang pagbibigay kaya no problem. Basta tiyak ko na meron pa rin ang Christmas bags na every Pasko part na ng giveaway gifts ko.

Christmas is such a beautiful season kaya naman dapat lang na maging masaya ang lahat.

Forget all problems, sama ng loob. Dahil ‘pag Pasko, happy lang para kay Jesus, dahil kahit ano pang sabihin, life is happier with Jesus in our heart.

Show comments