^

PSN Showbiz

Janno, sa 2028 na kakandidatong Senador!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Janno, sa 2028 na kakandidatong Senador!
Janno Gibbs
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagtanong si Janno Gibbs sa followers niya sa Instagram kung itutuloy niya ba ang pagtakbo sa senado?

Iba-iba ang sagot ng kanyang mga kaibigan, gaya ni Dennis Padilla na mag-file na raw siya na sinagot ni Janno na samahan siya nito sa pagpa-file ng Certificate of Candidacy (COC).

Ang followers ni Janno sa Instagram na hindi taga-showbiz, pinayuhan siyang ‘wag nang tumakbo dahil hindi naman daw siya mananalo. Wala raw siyang resources at kung lulustayin lang niya ang naipon sa pag-aartista, mag-isip-isip daw siya. Ang ganda ng sinabi ng netizen na ang pagkakaroon ng millions of followers sa social media ay hindi nagta-translate ng real support.

Si Arnold Clavio, “Huwag na bro” ang sagot sa tanong ni Janno. Ni-like naman nina Dingdong Dantes, Julius Babao, at Rufa Mae Quinto ang post ni Janno. Hindi malinaw kung pabor sila o hindi sa pagpasok sa pulitika ni Janno.

October 3 ang post ni Janno na nagtanong kung itutuloy ba niya ang pagtakbo, Oct. 14, na ngayon. Ibig sabihin, nakinig siya sa kanyang pamilya na tutol sa pagpasok niya sa pulitika. Hindi na siya nag-file ng COC, pero hindi ibig sabihin na wala na siyang planong magpulitika.

Janno is eyeing the 2028 national election para tumakbo dahil sa sagot nitong “2028 na” sa comment na mas bagay siyang magpulitika kesa ibang taga-showbiz dahil may puso siya.

May nabanggit pa siya na “Di nman talaga ako tatakbo pa. Puno na kasi ako sa ibang politiko natin.”

Sinagot din nito ang comment na kung joke man ang sinabi niya, iboboto pa rin niya ito. “Hindi po joke. Gusto ko tlaga tumakbo at mabago ang sistema. Pero ayaw ng family ko.”

Pero, may sinabi rin siya na “Gusto ko sana, katakot lang.”

Sa comment ni Niño Muhlach na “Maybe next election. But if you’re bent on running 2028 start preparing.”  Sagot ni Janno, “Yes pare.”

Ayan, may isa nang taga-showbiz na tatakbong senador sa 2028 national elections, four years pa ‘yun after ng 2025 midterm elections. May mahabang panahon pa siya na maghanda at mangalap na rin ng supporters, lalo na financial supporters.

 

Ogie, may basbas ng Kapamilya ang bagong show

Nag-promote na si Ogie Diaz ng bagong show niya sa TV5, ang Quizmosa, na premiere na sa Oct. 21, pagkatapos ng Eat Bulaga. Monday to Saturday ito at kasama sa Hapon Champion ng network.

Sabi ni Ogie, “Kinabahan ako. Charot. Pero wa echos nae-excite ako kasi panibagong challenge ito sa buhay ko. Kung kelan naman nagkakaedad na, saka naman nabibigyan ng mga ganitong pagkakataon, choosy pa ba? Hehehe. Thank you, Papa God!

“Samahan nyo kami nina Jegs Chinel, Ton Soriano ha?

“Thank you sa TV5 sa pasabog na pag-welcome. Me pa-billboard pa silang nalalaman, kaya sana, ma-meet namin ang expectations ng management.”

Nilinaw rin niya na bago siya nakipag-meeting sa creatives ng TV5, nagpaalam siya sa Channel Head ng ABS-CBN na si Cory Vidanes. “Nakakuha naman tayo ng basbas, kaya thank you, Tita Cory! I love you!,” ayon pa kay Ogie.

 

Marian, gagawan ulit ni Direk Kip!

Nakita namin si Director Kip Oebanda sa premiere night ng Balota at pagkatapos i-congratulate, tinanong namin ito kung ano ang next movie project niya. Sagot nito, “Wala pa. Sana meron,” saka ngumiti.

Parang ayaw naming maniwalang wala pang kasunod na project si Kip after Balota.

Pero hindi kami magugulat kung ang maging next project niya ay si Ma­rian Rivera uli ang artista niya. Malaki ang pasasalamat sa kanya ng aktres dahil nagka-acting award daw siya dahil kay direk Kip at sa Balota.

Anyway, bukas na, Wednesday (Oct. 16), ang simula ng nationwide showing ng Cinemalaya movie ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group.

vuukle comment

JANNO GIBBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with