Third world..., Big winner sa pasado!

Carlo at Charlie

MANILA, Philippines — Tumanggap ng 11 na parangal mula sa mga guro ang ABS-CBN para sa kanilang natatanging palabas, pelikula, at artista sa 2024 Gawad Pasado Awards na ginanap sa Philippine Christian University noong Oktubre 12 (Sabado).

Big winner ang Third World Romance na nakakuha ng apat na parangal kabilang ang PinakaPASADOng Dulang Pampelikula, PinakaPASADOng Pelikula sa Pagkakapantay-pantay ng mga Kasarian, at PinakaPASADOng Pelikula.

Tinanggap din ni Charlie Dizon ang tropeyo para sa PinkaPASADOng Aktres para sa kanyang kahanga-hangang pagganap sa pelikula.

Sina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon, ang mga bida ng pelikulang A Very Good Girl, ay kapwa kinilala – si Kathryn ang nagwagi ng PinakaPASADOng Aktres award, habang si Dolly ay pinarangalan bilang PinakaPASADOng Katuwang na Aktres.

Panalo rin ang nation’s girl group, BINI, na nagpasikat ng mga kantang Pantropiko at Salamin, Salamin, ng PinakaPASADOng Dangal ng Kabataan award.

Samantala, ang seryeng Dirty Linen ay nag-uwi rin ng tatlong parangal. Kabilang dito ang PinakaPASADOng Teleserye, PinakaPASADOng Aktres sa Telebisyon para kay Janine Gutierrez, at PinakaPASADOng Aktor sa Telebisyon para kay John Arcilla.?

Kinilala rin si Paulo Avelino bilang PinakaPA­SADOng Aktor sa Telebisyon para sa kanyang natatanging pagganap bilang Victor sa seryeng Linlang, na unang ipinalabas sa Prime Video.

Ang PASADO?ay samahan ng mga guro mula sa pribado at pampublikong paaralan na sumusuri ng mga pelikula at serye na maaaring gamitin sa pagtuturo.

Taun-taon, ginaganap nito ang Gawad Pasado Awards upang bigyang parangal ang mga huwaran sa industriya.

 

SB19, Gloc-9 at the Juans, bumida sa team fair 2024!

Pinagdiwang ng TM ang kaarawan nito sa pamamagitan ng TeaM Fair 2024 na ginanap noong Oktubre 12, sa Bulacan Sports Complex sa Lungsod ng Malolos.

Pinangunahan nina Kings of P-Pop na SB19 ang event. Kasama rin nila ang rap icon na si Gloc-9 at ang pop-rock band na The Juans, plus up and coming artists na sina Rhodessa, Matthaios, and Dionela, na dinala ang kanilang viral music sa entablado.

Layunin ng TeaM Fair 2024 na makabawi sa kanilang loyal customers sa pamamagitan ng memorable celebration.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga dumalo na makasama sa entablado ang mga paborito nilang artista.

Ang mga ambassador naman ng TM na sina Baninay, Arshie, at Ai ang nag-host ng pagdiriwang.

Show comments