Color It Red, bubuhayin ang career sa NWR!

Color It Red

MANILA, Philippines — Mas pinakulay ng Color It Red ang live entertainment scene ng Newport World Resorts. Masasaksihan ang five-piece band na bigyang kulay at legendary sound sa world-class stage ng Bar 360 sa GF Garden Wing sa Oct. 19, 10:45 p.m., para sa minimum cover charge na P1,500 na consumable sa food at drinks.

Kinikilala bilang pinaka-kilalang Filipino indie band ang Color It Red, na mula pa noong 1989, ay pinangunahan ng iconic vocalist na si Cooky Chua at kanyang kapwa founding member, ang acoustic rhythm guitarist na si Barbi Cristi. Kasama rin nila sa banda sina bassist Bo Pip Paraguya, JV Torres sa drums, Kwachi Vergara sa lead guitar, at ang newest member violinist na si Jerome Nuñez.

Ang Color It Red ay umusbong mula sa underground rock scene noong late ‘90s upang maging isa sa pinakakilalang banda sa local contemporary rock. Ang best-selling debut album nilang Hand Painted Sky ang naglagay sa banda sa Pinoy rock anthologies particular na ang Salamat sa Paglisan.

Matapos ang 35 taon, handang-handa na ang banda na umarangkada sa center stage sa premier entertainment at lifestyle destination ng bansa.

Para sa karagdagang impormasyon sa Color It Red at Newport World Resorts, bisitahin lamang ang www.newportworldresorts.com.

Show comments