^

PSN Showbiz

Ruffa nawindang, Annabelle walang pakialam kina Echo at Janine

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ruffa nawindang, Annabelle walang pakialam kina Echo at Janine
Annabelle Rama

Aliw ang reaksyon ni Annabelle Rama nang tanungin siya ng anak na si Ruffa Gutierrez tungkol sa fake news na kumakalat.

Ipinost ng daughter nina Annabelle at Eddie Gutierrez ang isang screenshot na may headline kung saan naglabas daw ng pahayag si Annabelle tungkol sa lovelife ni Janine Gutierrez.

Nag-fake news alert si Ruffa at sinabing “get your facts STRAIGHT” sa netizens. Bago raw magkomento ay mag-research muna.

Kaya tinanong niya ang mommy niya kung totoong nagpahayag ito ng suporta sa aktor na si Jericho Rosales para kay Janine.

Sinabi raw kasi nitong mas bagay sila kumpara kay Paulo Avelino dahil mas mature at seryoso ito.

Dagdag pa ng fake news ay sinabi nitong noon pa man daw ay hindi na nito gusto si Paulo para kay Janine dahil babaero raw ito.

Pero tinanggi ito ng nanay nila Richard Gutierrez at ang sagot daw nito ay “Pakialam ko sa kanila! Busy ako, ‘day!” na kinaaliwan ng netizens.

Janine Gutierrez

Maaalala kasing na-link noon si Janine kay Paulo nang magtambal sila sa isang proyekto pero hindi na nila pinag-ingay ang kanilang relasyon.

Kaya panawagan ni Ruffa ay i-block at i-report ang account na nagpapakalat ng fake news.

Ayon nga sa ibang netizens ay maaaring mga toxic fan din ang nagpapakalat nito. At gusto lamang nito ng engagement para makakuha ng sangkatutak na comments at reaksyon sa post kaya huwag basta-basta maniniwala sa nababasa sa social media.

FF, walang makatalo!

Bongga dahil baka magbigay ng balato si Gorgy Rula dahil nanalo sila sa Family Feud.

Cute nila nina Noel Ferrer, Gerry Olea at Morly Alinio.

Talagang malapit nang maging TV star si Gorgy. Talagang in full energy siya sa harap ng kamera.

Sure ako na nagnakaw ng eksena ang mga arte ni Gorgy. Talbog si Morly, hah hah hah. ‘Kaloka talaga.

Ang sarap talagang manood ng Family Feud dahil ang dami mong matututuhan. At ang galing mag-host ni Dingdong Dantes.

Talagang at his best siya sa hosting. Hindi kataka-taka na top rating ang Family Feud. Congrats.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

JANINE GUTIERREZ

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with