YT account ni Ka Tunying, na-take over ng mga hacker

Ka Tunying

Dismayado si Anthony Taberna sa pagka-hack ng kanyang YouTube account na Tune In Kay Ka Tunying.

Matindi ang nang-hack sa kanyang YT account na involved pala sa cryptocurrency at marami raw itong naloloko, na malamang subscribers niya ang nabiktima.

Halos 800 thousand subscribers ang YouTube channel ni Ka Tunying, kaya nakakapanghinayang talaga.

Sabi ni Ka Tunying sa kanyang Facebook account, “Ito po ay kasalukuyan na ngayong may pangalan na Micro Strategy at may postings tungkol sa crypto solutions para sa negosyo.

“Lahat po ng ating original postings ay tinanggal po nila. But we are currently in the process of retrieving our channel and republishing our videos.

“The YouTube channel name, however, remains Micro Strategy as it usually takes around 14 days to change it…”

Sa radio program nina Ka Tunying at Gerry Baja na Dos Por Dos sa DZRH, nagpahayag ang broadcaster na tuluyan na ngang nawala ang kanyang YouTube channel at hawak na nitong cryptocurrency.

“Hindi natin alam kung may gagawin tayong mga pamamaraan diyan. Wala na kayong mapapanood na Tune In Kay Ka Tunying,” sabi niya.

“Hindi tama ‘yun. Dapat na ma-recover natin… ang daming subscribers dun e.

“Meron na tayong 2 way, 3 way verification, pero napasok pa rin hackers. Ibig sabihin… ‘yung pumasok ‘yung nagki-crypto. Mga hackers talaga sila.

“Napasok po nila ‘yung YouTube channel,” sabi pa niya. Kaya pinapag-iingat niya ang subscri­bers ng kanyang You Tube channel at baka maloko raw sila ng hackers na ‘yun gamit ang nanakaw niyang YouTube account.

Grabe na talaga itong hackers na ito na nakakaya niyang pasukin ang mga kilala at malakas na YouTube account kagaya nitong Tune In Kay Ka Tunying.

Sugar, si Willie Ong ang iboboto!

Talagang consistent si Sugar Mercado sa pag-iwas sa matagal na niyang pagkaka-link kay Willie Revillame.

Matagal nang naisyung nagkaroon sila ng relasyon, pero hindi talaga ito sinasagot ng dating SexBomb dancer.

Ngayong mainit na pinag-uusapan si Willie, kinalkal ito kay Sugar nang humarap ito sa ilang miyembro ng media bilang ambassador ng Melona Beauty Slurpee.

Kaya hinirit na namin si Willie na nag-file ng kanyang COC bilang senador. Susuportahan ba niya ito sa pangangampanya? “Oo, si Dr. Willie Ong,” kaagad na sagot ni Sugar sa amin.

“Uy si Kuya Wil, iboboto ko ‘yun ‘no! Si Dr. Willie Ong! Kasi ‘di ba? May sakit siya, pero talagang tatakbo siya, tuloy ang laban.

“Siyempre, nag-work ako dun kay Kuya Wil (Revillame),” pambawing pakli ni Sugar.

“Kay Kuya Wil, good luck. Na-shock ako na tatakbo siya.

“Ang wish ko lang kay Kuya Wil talagang nasaksihan naman natin lahat. Hindi lang ako ang natulungan niya, guys. Maraming mahihirap, at saksing buhay po ako sa natulungan niya. Hindi lang po ako, uulitin ko, saksing buhay tayong lahat na tumutulong talaga siya sa mahihirap,” sabi pa ni Sugar Mercado.

Kahit patuloy pa rin namin siyang kinukulit tungkol sa kung ano ang namagitan sa kanila ni Willie, safe na safe talaga ang sagot ni Sugar.

Tinanong namin kung tutulong ba siya sa pangangampanya sa TV host. “Doon ako sa kikita ako e,” diretsong sagot ni Sugar.

Pero hinding-hindi raw niya makakalimutan ang lahat na kabutihang ibinigay sa kanya ng host ng Wil To Win. “As magkatrabaho, okay na okay kami.  Wala naman akong masasabi pagdating dun.

“And huwag na pong bigyan ng isyu ‘di ba? Okay na okay kami. ‘Yun lang. Okay kami,” sabi pa niya.

Minsan ba ay minahal niya si Willie?

“Minahal ko siya… minahal namin siyang lahat nang totoo. Mahal siya ng mga taong mahihirap katulad ko, pure ‘yung love na binibigay namin sa kanyang lahat.

“Kay Donita, kay Hipon, lahat kami natulungan niya. Walang Hipon kung hindi siya natulungan ni Kuya Wil.

“Ako nagsimula ako sa Eat Bulaga, pero nung panahong nag-struggle ako sa buhay, siya rin ‘yung unang tumulong sa akin at hindi ko ‘yun makakalimutan,” saad ng comedienne at dancer.

Sinundan namin ng tanong kung sakaling kunin siyang maging co-host sa Wil To Win, tatanggapin ba niya? “Sandali… hindi e. Hindi sa hindi ha? Because, hindi ko na magagampanan ‘yung… kasi si Kuya Wil napaka-perfectionist niya sa trabaho. Saludo ako sa kanya dun,” safe na sagot ni Sugar Mercado.

Samantala, thankful si Sugar sa Panginoon na tuluy-tuloy ang blessings na dumarating sa kanya. Dagdag itong ibinigay sa kanyang endorsement ng mag-partner na sina Dr. RJ Evangelista and Mr. Charles Arriza ng Horizons Health and Beauty Products Corporation.

Doon na rin namin nalamang nagkaroon pala ng isyu sina Doc RJ at Charles kay Ivana Alawi na umabot sa demandahan, pero naayos na raw ‘yun at hindi nila idinetalye.

Pero ngayon ay si Sugar Mercado ang kinuha nilang mag-endorse dahil masipag pa itong mag-promote ng kanilang produkto at talagang ginagamit niya.

Ang laki na nga ng ipinagbago ni Sugar na ang layo nito noong panahong humarap pa siya ng problema niya sa kanyang dating asawa.

Pero ngayon ay okay na okay na raw sila ng ama ng kanyang dalawang anak.

Show comments