Heart, may ipapalabas na docu series!

Heart Eva­ngelista

In-announce ng GMA 7 ang airing this October ng docu series ni Heart Eva­ngelista na Heart World. Title pa lang at month ang in-announce, pero excited na ang kanyang fans. Mapapanood na raw nila ito hindi lang sa contract signing ng endorsements niya at hindi tungkol sa pag-attend ng iba’t ibang fashion week ang sinasabi.

Kaya lang, kasama sa docu ang mga ganap niya sa fashion week, ibig sabihin, tungkol pa rin sa fashion week ang pag-uusapan at mapapanood.

Sabagay, matagal na itong nire-request ng fans niya, ang ipasilip niya ang mga ganap niya kapag nag-a-attend siya ng fashion week at ito na ‘yun.

Sabi sa press release, “Step into the spotlight and enter Heart World! Behind the glam are the heartfelt moments in the life of the country’s most-loved Global icon. Heart Evangelista welcomes you to #HeartWorld, this October on GMA.”

May post pala siya sa birthday party ng asawang si Chiz Escudero at isa sa special guests ang ama ni Heart na minsan lang makita. Ang saya siguro ni Mr. Rey Ongpauco dahil present ang mga anak. Hindi lang si Heart ang nakita namin, pati ang iba niyang anak.

Tony, nilinaw ang pakikipagtambal kay Budol

Kasama sa cast ng bagong Kapuso afternoon drama series ang Kapamilya actor na si Tony Labrusca. Hindi pa nga lang nababanggit kung siya ang magiging leading man ni Herlene Budol na bida sa upcoming series na Binibining Marikit.

Actually, sina Herlene at Pokwang ang lead sa nasabing series, pero sa kanila ni Herlene, mas lamang na si Herlene ang makapareha ni Tony. Kabilang din sa cast si Cris Villanueva na para sa netizens, mas bagay makapareha ni Pokwang dahil sa edad.

First Kapuso series ito ni Tony na announcement pa lang, tiyak na ang netizens na magkakaroon sila ng chemistry ni Herlene. Baka nga raw ma-link pa ang dalawa na hindi malayong mangyari. Wala naman yatang girlfriend si Tony na magseselos ‘pag na-link siya kay Herlene.

Para malinaw lang, hindi lumipat sa GMA si Tony, hiniram lang siya ng Kapuso sa ABS-CBN.

Kylie at AJ, ‘di pa tapos sa sagutan

Ang feeling ng netizens, may subtle shading na nangyayari kina Kylie Padilla at AJ Raval na nagsimula nang mag-post si Kylie patungkol sa mga kumakandidato. Parinig daw ‘yun ni Kylie sa ex niyang si Aljur Abrenica na tumatakbong konsehal sa Angeles City, Pampanga.

Hindi sumagot si Aljur, si AJ ang sumagot na kahit walang binanggit na pangalan, alam ng mga nakabasa na patungkol kay Kylie. Hindi nagkamali ang netizens, sumagot si Kylie, via quotation card tungkol sa katoxican nating lahat.

Post ito ni Kylie na sigurado ang netizens na sasagutin ni AJ, kaya waiting na sila kung ano naman ang isasagot dito ni AJ. In fairness, maganda ang ganitong sagutan, tahimik lang ang both parties at ang supporters nila ang nagngingitngit.

Anyway, kinikilig si Kylie reading the positive feedback ng series at mas matutuwa ang viewers dahil balitang extended ito hanggang December.      

Show comments