Mas humihigpit pa ang kumpetisyon para sa anim na natitirang Pinoy Big Brother Gen 11 Housemates, kung saan inatasan sila ni Kuya na pumili kung sino sa kanila ang karapat-dapat maging susunod na Big Winner sa huling dalawang linggo ng patok na reality show ng ABS-CBN.
Rumagasa ang pagsubok para sa mga Housemate na sina Fyang, JM, JP, Kolette, Rain, at Kai matapos unang mapasabak kontra sa House Challengers na sina Jas, Dingdong, Patrick, Jarren, at Therese. Kapag nagtagumpay umano ang House Challengers sa kanilang head-to-head tasks ay maaaring malagay sa alanganin ang Big 4 dreams ng natitirang Housemates. Subalit, inamin ni Kuya na pagsubok lamang ito para lang maipamalas ang kanilang tunay na sarili sa nalalabing linggo ng kompetisyon.
Matapos nito ay inatasan naman ni Kuya isa-isa ang Housemates na iranggo kung sino sa tingin nila ang magiging susunod na Big Winner. Tinugon ng lahat ang kanilang sarili bilang most deserving magwagi, maliban kay Rain na naniniwalang si Kai ang karapat-dapat na magwagi sa PBB Gen 11.
Kasabay nito, kung sino naman daw ang pupwesto sa bottom three ng kanilang rankings ang magiging nominado ngayong linggo. Dahil dito, nanganganib mapalabas ng bahay ang bottom three Housemates na sina Fyang, JP, at Rain.
Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong Housemate na nais nilang mailigtas, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.
Samantala, patuloy pa ring binabasag ng programa ang all-time online views record nito matapos tumabo ang tenth eviction night episode nito ng mahigit 621,000 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live via YouTube, kung saan nasaksihan ang pagbabalik sa outside world ni Binsoy noong Sabado (Oktubre 5).
Abangan ang latest updates sa Pinoy Big Brother Gen 11 tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.
Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 p.m. sa TV5.
Samantala, dapat ding abangan ang nalalapit nitong Big Night live ngayong Oktubre 26 (Sabado).
Maja at Lovi, may pasabog
Maghanda sa mga pasabog na performance mula kina Maja Salvador at Lovi Poe sa kanilang pakikisaya sa road to ASAP 30 celebration ng longest running variety show ng ABS-CBN.
Bonggang opening number ang mapapanood ng viewers tampok si Lovi kasama sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Martin Nievera, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, AC Bonifacio, Alexa Ilacad, Belle Mariano, Gela Atayde, Ken San Jose, at Gab Valenciano.
Samahan si Maja sa kanyang birthday celebration sa ASAP at abangan ang pasabog niyang dance number. Makihataw rin kasama sina Darren, AC, Ken, Jeremy G, at Jameson Blake.
Huwag ding palampasin ang pagkanta ni James Reid ng kanyang bagong single na Sandal. Free concert experience rin ang mae-experience ng viewers sa pagkanta ng isa sa top artists ng Spotify na si Dionela sa ASAP stage ng hit singles niya na Sining at Maharlika.
Tuluy-tuloy rin ang world-class numbers mula kina Martin at Morisette kasama ang violinist na si Micha Torres at abangan din ang duet ni Regine Velasquez kasama ang singer-songwriter na si Ferdinand Aragon. Sasamahan naman ni Darren ang BGYO sa pag-perform nila ng bagong single nilang Trash.
Samantala, huwag ding palampasin ang performances mula sa ASAP Champions, Dance Sirens, at Rockoustic Heartthrobs.
Makikisaya rin ngayong Linggo ang hosts ng ASAP na sina Robi Domingo, Donny Pangilinan, Belle at Edward Barbers.