Kyline at Kobe, wala nang tinatago!

Kobe Paras at Kyline Alcantara

Nasaksihan na ng publiko ang holding hands ng lovers na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa red carpet premiere night ng GMA Pictures’ movie na Balota sa Gateway Cineplex last Friday!

Hindi naman naging maramot ang dalawa na magpakuha ng pictures na magkasama sila huh! Take note na hindi kumandong si Kyline kay Kobe sa upuan!

Bukod kina Kyline at Kobe, dumalo rin ang ibang Sparkle artists sa premiere gaya nina Ruru Madrid at Bianca Umali at iba pa at, sumuporta rin ang husband ng bidang si Marian Rivera na si Dingdong Dantes sa premiere.

Mahusay ang performance na ipinamalas ni Yan sa movie pati na ang kasama niyang artista. Wala siyang alintana sa location ng shoo­ting niya na kahit madumihan at magalusan eh maintain pa rin ang acting.

Mapapanood na ang Balota sa mas maraming sinehan simula sa Oct. 16 at saksihan ang A-1 performance ng GMA Primetime Queen!

Albert, maglilibot

Nagkasundo sa adbokasiya ng wellness at environment protection ang hosts ng latest travel show na Wonderful Pinas na ang aktor na si Albert Martinez at at General Rhodel O. Sermonia (GenRos) na mapapanood sa UNTV every Sunday, 9:00 in the morning.

Lilibutin ng dalawang main hosts ang Pilipinas lalo na ‘yung unexplored places sa Mindanao na walang dapat ipag-alala pagdating sa peace and order at seguridad ng bawat tourist.

Bago para kay Albert ang hosting na ito lalo na’t mas kilala siya bilang mahusay na aktor. Eh dahil sa pagiging staunch environment advocate gaya ni GenRos, talagang naglalaan siya ng oras sa show kahit napupuyat sa taping ng teleserye!

Show comments