Hindi na pini-pressure ni Alex Gonzaga na mabuntis. Chill na lang siya at hihintayin na lang nila ng mister na si Mikee Morada kung kailan darating ang first baby nila.
Ito nga ang rebelasyon ni Alex kahapon, sa press launching ng Chef Ayb’s Herbal Tea kasama ang kanyang mga magulang - Daddy Bonoy and Mommy Pinty.
“Parang ngayon, siguro this time, kasi last year, pinressure ko kasi. Ang daming nagsabi sa akin, maganda ‘yung Year of the Dragon, ‘di ba? Nagalit Daddy (Bonoy) ko. Bakit daw ako (naniwala). Hindi raw kami Chinese. Kaya ako na-pressure, pa-IVF (in vitro fertilization) pa ako,” umpisa niya kahapon.
Hinahabol daw sana nila ang Year of the Dragon na sinasabi ngang suwerte para sa mga bagong mag-asawa na magkaanak ngayong 2024.
“Year of the Dragon, suwerte raw. Asawa ko pala, Year of the Dragon. Sabi ko ‘hindi ka naman nagsasalita, Year of the Dragon ka pala.’ So anyway, parang ngayon, this year, parang mas nabuksan po ‘yung isip ko na, ‘yung perspective ko na, ‘yung even in the waiting, I am grateful because ang dami kong pwedeng gawin.
“So parang, it’s really my perspective na, o kung hindi man nabibigay ng Panginoon ‘to, ito pwede namin gawin ito ni Mikee, nakakapag-travel kami, mag-business venture, kasi meron din kaming mga ibang ginagawang business venture, so mas nakakasama ko mommy (Pinty) ko.
“Kapag sinabi ng ate ko (Toni) nitong recently, ‘samahan ninyo kami sa Italy,’ nakasama kami, nang walang responsibility, of course, except sa work, I mean ‘yung sa family namin,” pagkukuwento pa ni Alex sa ilang kausap na entertainment media kahapon.
Mas maluwag na raw niyang natanggap ang lahat. Maaalalang nagkaroon ng miscarriage si Alex
Dagdag niya: “Hindi ko na po pini-pressure, dati kasi pinressure ko, wala rin. So, ang ate ko ang nabuntis,” kuwento pa niya sabay tawa.
Hanggang nagsalita na si Mommy Pinty na kahit concert noon sa abroad, ayaw patanggap ni Alex dahil nga raw lagi nitong iniisip na mabubuntis siya. “Pero ngayon, go na mommy, relax lang ako,” sabi ni Alex.
“Dati kasi nag-aano pa kami ‘yung parang... uy mommy baka buntis ako niyan, nagpaplano kami. Wala nang pressure ngayon kasi ‘yung last time na na-pressure ako, ang ate ko ang nabuntis. Baka this year ‘pag ako na-pressure, ito na mabuntis (sabay turo sa mommy niya na katabi lang niya). So, nakakatakot na. Natakot na ako,” chika pa ng TV host na isa ring sikat na vlogger sabay biro sa mga mga magulang.
At pabor ang ina na hindi na trying hard ang anak at mister nitong pulitiko na magka-baby na sila agad-agad. “Oo. Para hindi nai-stress. Relax lang. Pero sinisisi ko sila,” hirit na biro pa ni Alex sa mga magulang.
“Sabi ko sa kanila, kasi noong 20 years old ako, pinabuntis n’yo na ako. Kung pinalandi n’yo na ako, hinayaan ninyo na ako, ‘di wala na tayong problema ngayon.”
Sa ngayon ay nagbabalak sila ng mister ng church wedding. Wedding anniversary nila next month, November. “‘Yun, gusto rin namin syempre mag-church wedding din ni Mikee, nakaplano rin. So, medyo marami rin tayong ginagawa sa personal nating buhay, which is, siguro ‘yun din siguro ‘yung will ni Lord,” pagkukuwento pa niya sa kanyang mga plano.
At sa edad ni Alex at isa nang misis, pinagsasabihan pa rin siya ng kanyang mga magulang like ‘pag nagpi-pictorial siya ng sexy.
Sey ni Mommy Pinty: “Minsan may mga ganun pero sinisita namin siya. Sabi niya, ‘mommy, tanda na namin.’ ‘Yun ang katwiran nila.”
Hirit naman ng Daddy Bonoy ni Alex: “Minsan, pagka hindi namin gusto, tini-text na lang namin sa kanya. Uulan ng texts ‘yan sa aming dalawa.”
Dinemanda ang basher na paulit-ulit na nagsasabing baog, nalaglag
Pero naaapektuhan pa ba siya ng bashers? O adjusted ka na rin? Tanong namin sa kanya.
“Siguro may mga times na maapektuhan ka, pero kung malakas nga talaga ‘yung core group mo. Like, I have my parents, I have my sister, I have my husband. ‘Pag binaba mo naman ‘yung cellphone mo, ‘di mo na naman alam ano ‘yun eh. So, ‘yun lang. Parang minsan, syempre, talagang minsan maaapektuhan ka, pero at the end of the day, kapag meron kang supportive na family, may core group ka na talaga, even my friends, na talagang solid, hindi ka naman masyadong masi-sway.”
At anong bashing ang matinding nakaapekto o nakasakit sa kanya?
“Hindi ako nasaktan. Personally po, hindi po ako nasasaktan dun. Pero, parang tingin ko, kailangan mag-stop ‘yun. ‘Pag sinasabihan ka ng baog, sinasabihan ka ng ganun. So, meron kami recently, pero ginawa ko po ‘yun, hindi po dahil sa... kasi ‘di ba po, sa gender nagiging very sensitive na tayo ngayon, ‘di ba po, even sa body shaming.
“Pero bakit sa babae, ‘pag walang anak, parang very loosely ginagamit ‘yung nalaglag, baog, ‘di ba? Parang dapat we really have to be sensitive about it. Kasi ako, kaya ko, pwede naman, kasi okay naman ‘yung ano ng doctor ko. Pero what if may mga tao na very sensitive talaga sa kanila ‘yung ganung issue, ‘di ba?
“‘Yung talagang para sa kanila is, may mga ganun talaga akong kilala na they can’t even talk about it. Kapag tatanungin ko, kasi ako very casual ako magkwento, sila talagang nakikita mong very sensitive about it. So, naisip ko, dapat we have to be careful, na gamitin ‘yung mga word na ‘yun, very loosely, sa mga kababaihan kasi maraming inner struggles ang babae na hindi natin alam. Hindi lang for me. So, meron akong ano...” mahaba niyang sagot sa tungkol sa bagay na nakaapekto o nakasakit hindi para sa kanyang sarili kundi sa mga kababaihang naapektuhan ng mga ganung salita.
“Meron tayong demanda dyan. Ngayon maglalabas na siya ng kanyang statement,” na walang binanggit kung sino ‘yung tinutukoy niya sa demanda.
Sumubok sa lit, katawan kaya nang magdala ng baby
Bukod sa Chef Ayb’s Paragis with Moringa and Guyabano Tea na endorsement nila, aniya ay naka-line up na ang kanyang mga gagawin.
“Meron akong mga ginagawang song, may gagawin din akong pelikula pero hindi ko pa, hangga’t hindi pa ano... ‘Yung mga kanta, patapos na. Pero itong movie, ano pa lang kami, nasa casting pa lang kami, so wala pa kaming show...
“At saka, ang asawa ko is kakampanya, so medyo, tapos nagpapagawa... ang dami kong ginagawa. Nagpapagawa ng bahay.”
Anyway, ayon nga kay Alex nakatulong itong bagong endorsement nilang tea upang magkaroon siya ng chance na mabuntis.
Dahil ba rito, hindi na siya magta-try ng ibang paraan para mabuntis?
“I’ve tried IVF. And, before po ako ma-meet ng paragis, I’m doing LIT (Lymphocyte Immunization Therapy). Kung hindi n’yo po alam ‘yung LIT, it’s a blood transfusion for my... Kasi nga po nakita na ‘yung aking immune system is masyadong mataas. My body doesn’t recognize pregnancy. So, that’s the way it goes. So, nung nagta-try po kami, hindi po umaangat masyado ‘yung aking blood levels, ‘yung aking immune... Kasi hindi ko alam, ma-gets sa mga doktor, basta pumunta na lang ako doon. So, by drinking this, syempre hindi ko sinabi ‘yun sa doktor ko, pero nag-take po ako nito. So, so far, by God’s grace, my last test is positive na po ‘yung katawan ko. So, anytime, pwede po tayong mabuntis. So, kasi tiningnan niya ‘yung blood, pwede pala ‘yun, hindi ko po alam na parang oh, your body really can take pregnancy. So, right now, it’s positive, it’s 60% okay.
“So, by God’s grace. So, anytime na po, baka po mamaya pumunta na ako sa likod, nandiyan si Mikee. Dito pa natin magawa, oo. Kung magkulong ako sa CR dyan, basta tuluy-tuloy ko lang daw ang pag-inom. Even si Mikee po kasi, it’s also good also for the sperm. Ay, ito na tayo. It’s also good for the men’s swimmers, reproductive organs. So, actually, ang number one benefit talaga nitong Paragis is really for reproductive. Pero, the moment na mabuntis ka, you have to stop. Kasi nga, syempre it’s detoxifying baka ilabas n’ya. So, ‘yun lang ‘yun po. ‘Yun po ‘yung, so far, praise God,” paliwanag niya tungkol dito na oo nga hindi na niya pini-pressure ang sarili pero base sa mga doctor, handa na ang katawan niya.