Caloy at Dennis, kinumpara

Ngayon, sino raw ang King of Crop?

Nang makita si Dennis Trillo na nasa Disneysea, Tokyo kasama si Jennylyn Mercado, naalala ng mga tao si Carlos Yulo. Pareho kasi silang naka-crop top!

Who wore it better, ang tanong ng netizens?

At may mas matabil pang nagsabing, sino ang may mas maganda at mahal na crop top? At sino ang mas boto kayong pares: Dennis-Jennylyn o Caloy- Chloe (San Jose)?

Ice at Markki, sinuwerte sa Northern Lights!

Ang daming artista na nasa US at Canada ang masuwerteng nakasaksi ng Northern Lights at panay ang pasalamat nila.

Sabi ni Ice Seguerra, “Bata pa lang ako, pangarap ko na makita itong Aurora Borealis. Kaya ibang klaseng saya nararamdaman ko ngayon kasi, finally, nakita ko na siya. Sana nandito ka Liza!!!!”

Pati si Markki Stroem napa-“Great to see you again Northern Lights.” Ang sabi, “Sometimes, things happen when we least expect it. Very rarely do the Northern Lights dance… And for them to show themselves while we were chillin on the patio of Chris Gorgonia. What a pleasant surprise… A once in a lifetime experience.”

Sa Canada, itong mga flickering lights were considered torches of the gods, a sign of their presence and protection. Samantalang sa Southeast Asia raw, the lights were said to have magical powers, and were believed to be tied to fertility.

Paano kaya ito kina Ice at Markki?

Hilda, tambak na ang offer

Uuwi na ba ng Pinas si Hilda Koronel? Nakakatuwa lang na makita ang posts na may nakikipag-usap na sa kanya.

Ano kayang proyekto ang uunahin niya? Matutuloy na ba ang pelikula with Direk Adolf Alix under Ten17?  Kumusta rin ba ang planong pelikula ng Cineko sa kanya?

Balita ring may Netflix project for Hilda and noong isang araw lang, si Direk Jun Lana at IdeaFirst naman ang kausap niya.

Sana matuloy lahat ng magagandang projects for Ms. Hilda Koronel. Tunay na magaling na Pilipinong artista!

Dolly mas pinuri kesa kay Lea?!

Totoo bang ‘di hamak na mas magaling daw si Dolly de Leon sa kanyang pagganap sa Request Sa Radyo na palabas na ngayon?

Ito ay pagkukumpara sa kanyang alternate na si Lea Salonga sa dulang Request Sa Radyo na walang dialogue at mata-mata lang at walang sali-salita.

Sana lang feeling sulit sa mga tao ang libu-libong ibabayad nila sa play na ito for two weekends.

Nakakataquote:

“I miss doing albums. Like full ones. With artworks and all that.

I hope CDs make a comeback.” – Jed Madela

Show comments