Andrea, BINI, at iba pa, may kampanya para sa mga scammer

Andrea Brillantes
STAR/File

Inilunsad ng ABS-CBN ang public service advocacy video series na Spot the Scam tampok ang Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Maymay Entrata, Robi Domingo, at ang grupong BINI.

Layunin ng adbokasiya na maghatid ng impormasyon ukol sa iba’t ibang scam sa social media at paraan kung paano makakaiwas ang publiko dito.

Nagbigay si Andrea ng mga halimbawa ng iba’t ibang pagpapanggap na ginagawa ng scammers online at mga paalala kung paano hindi maging biktima ng mga ito.

May hatid ding paalala ang Nation’s Girl Group, BINI, kung paano matitiyak na lehitimo ang accounts online.

Tinukoy naman ni Kyle ang mga babala sa pinsalang dala ng pagsuporta sa mga content na pinirata, tulad ng virus at malware.

Samantala, inisa-isa nina Maymay at Robi ang mga paraan kung paano magsuri ng deepfake content, na gumagaya ng itsura at boses ng mga kilalang personalidad.

Kasama rito ang pagsusuri ng source at pag-obserb sa paggalaw ng labi.

Ang videos ay ipinapalabas sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Show comments