Kobe, kailangang alalayan ni Kyline!

Kobe Paras
STAR/File

Siguro hindi talaga ma-take ni Benjie Paras ang ginawa ni Kobe Paras sa akin na pang-iisnab.

Sabi ko nga sa kanya wala iyon, parang childish act lang at hindi naman ako madaling maapektuhan ng mga ganyang reaction.

Pero sa totoo lang kung papasok si Kobe sa showbiz dapat matuto siya ng pasensiya at pag-take ng mga biro na madalas lumalabas sa mga bibig ng maraming taga-showbiz.

Hindi puwede ‘yung konting biro magkakaroon na agad siya ng violent reaction. For sure marami siyang makakabangga at makakasamaan ng loob.

Light lang dapat ang atake niya sa mga bagay na nangyayari sa paligid. Huwag masyadong seryoso.

Dapat siguro alalayan din siya ni Kyline (Alcantara) para madaling maka-adjust.

Well, sana nga dahil seryoso sila, kasal ang maging ending nila. Mas maganda iyon para sa kanilang dalawa.

Kahit hindi ako i-invite, matutuwa ako. Bongga.

Sec. Cris, puring-puri ang kasipagan

Talagang grabe ang sipag sa trabaho ni Sec. Cris Roque kaya naman puring-puri nina President Bongbong Marcos at First Lady Liza Marcos.

Talagang ito ang gustung-gusto ni Sec. Cris Roque, ang maibigay ang energy niya sa trabaho at makita ng lahat ang kanyang kakayahan.

Kaya talagang bagay na bagay sa kanya ang binigay na trabaho niya dahil expertise niya ito. Ngayon pa lang nakikita mo na ang magiging tagumpay niya sa trabaho.

Para bang bagong buhay ang department niya sa energy na dala-dala ni Sec. Cris Roque.

Congrats and more power mahal naming Sec. Cris Roque. Talagang bagay na bagay ka sa iyong job. Bongga.

Show comments