MMK, ibabalik?!

Totoo bang babalik ang Maalaala Mo Kaya? Nakakatuwa ang balita kung magkakatotoo ito pagkatapos ng higit tatlong dekada sa ere.

Ang tanong ng mga maka-MMK, sino ang producer nito, TV5?

Basta, sana magtagumpay ang pagbabalik ng MMK! At sana hindi replay lang.

Julie Anne, pinagtanggol

Buti nalang naglabas na ng statement ang GMA Sparkle nangyari kay Julie Ann San Jose. Kahit tayo naman ay against sa pamba-bash sa kanya ng ibang netizens.

Nang sabihin ng Sparkle GMA Artist Center na “Sparkle GMA Artist Center takes full responsibility for Julie Ann San Jose’s attendance at this event. It is our job to coordinate and clear details with the organizers and relay the instructions to the artists.”

Ang tanong: Bakit ‘yun ang kinanta at isinuot ni Julie Anne? At bakit sa church pa?

Wala bang nagsabi sa kanya ng tamang hakbang na gagawin pati ‘yung isusuot?

Ang sabi’y “Julie Anne only fulfilled her duties and commitment as a true professional. She is a devout Catholic and had no intention of disrespecting the Church and its members. We are truly sorry to those we have offended. We hope that this puts the issue to rest. We apologize to Julie Anne as well.”

Tama rin naman ang sabi ng isang press na “It should be the management’s role or responsibility to remind the artist to conduct herself/himself/themselves appropriately.”

“But, it also, the artist ought to be more discer­ning. Hindi naman ‘yan minor or maski iba pa ang faith, given that the venue is inside the church – then automatic na ‘yun. ‘Di ka naman siguro dapat magsuot ng revealing na damit at medyo suggestive na choreography, too.”

So, anyare ba talaga?

Ano ang natutunan natin dito?

Jackie, ginagamit para sa pulitika?!

Bakit naman kasi kinukulit si Jackie Gonzaga tungkol kay Ion Perez?

Dahil ba panira sa pagtakbo ni Ion sa eleksyon?

Jackie has already denied the pregnancy rumors – kaya sana tigilan na, “Kung anu-anong pinag-i-issue niyo, kami raw ni Ion. Adik ba kayo? Tigilan niyo bisyo niyo, ah!”

Guilty…, masipag mag-promote

Super sipag mag-promote ng cast ng Regal Film na Guilty Pleasure na sina Lovi Poe, JM de Guzman at Jameson Blake na active na active mag-mall shows at social media posts.

Makatulong kaya ito sa box-office performance ng pelikula sa showing niyo sa Oct. 16?

Sana!

Nakakataquote:

“No revenge, I’ll just pray for you.”

– AJ Raval

(Tanong ng bayan: sasagot ba ulit si Kylie Padilla?)

Show comments