Sarah at Kyline, nagkabati!

Sarah Lahbati at Kyline Alcantara
STAR/File

MANILA, Philippines — Natuwa ang fans na bati na sina Sarah Lahbati at Kyline Alcantara, present ang GF ni Kobe Paras sa birthday party ni Sarah at nagkasama pang nag-jamming with the other guests.

Nang hindi mabasa ang pangalan ni Kyline sa mga nag-greet kay Sarah sa birthday nito noong Oct. 9, akala ng fans, totally, friendship over na sa dalawa.

Sa isang TikTok video, kasama ni Sarah at ilang kaibigan habang kinakanta ang Buwan and in fairness kina Kyline, hinayaan nilang mag-solo si Sarah doon sa chorus part ng song. Todo naman ang emote ni Sarah at inilabas ang pagiging singer habang bumibirit.

Comment ng netizens, nagkatampuhan lang daw sila kaya umabot sa pag-a-unfollow nila sa isa’t isa sa Instagram. Ang nadinig namin, ang New York Fashion Week ang dahilan ng tampuhan, pero ngayon, bati na ang mag-ate at makikita natin uli silang dalawa na magkasama sa mga event at mga personal nilang lakad gaya ng pagbisita sa The Aivee Clinic.

Health Fest sa mga guro, tagumpay!

Ang hardworking ni Ms. Chaye Cabal-Revilla, chairperson ng Gabay Guro dahil kahit bagong labas ng ospital ang husband niyang si Bacoor City Mayor Strike Revilla, punong-abala pa rin sila ni Mr. Gary Dujali sa Gabay Guro Health and Wellness Festival for Teachers.

Ginanap sa Yñares Sports Complex sa Pasig City ang first health and wellness festival para sa mga guro na personal na inasikaso nina Ms. Chaye at Mr. Gary.

Nakakatuwang makita na nag-enjoy ang mga guro at nakisayaw pa nga nang mag-perform si Teacher Georcelle at ang G Force. Nakikanta naman sila sa mga guest singer at enjoy sa hosting nina Michael Ver at Nicole Cordoves.

Teachers Inspiring Change, Building the Country’s Future ang theme ng event na tampok din ang fitness coaches, celebrity athletes, lifestyle medicine doctors. May free facial din sa mga guro at free masahe at may raffle from cash to gadgets, TV at marami pang iba. May pa-Zumba na lahat nag-participate.

Katulong ng Gabay Guro ang mWell, PLDT Home at Metro Pacific Investments Corporation in staging the first Health and Wellness Festival.

‘I truly, sincerely apologize...’

Bukod sa official statement ng GMA Sparkle tungkol sa controversial na performance ni Julie Anne San Jose sa Nuestra Señora Del Pilar Pa­rish, humingi rin ng tawad ang singer.

“I am offering my apologies. Even though my only intentions were to share joy and to give support to the church through the benefit concert, many have felt offended about the incident I was in and with my performance which caused distress. I truly, sincerely apologize... This is a lesson learned and it is assured that it will not be repeated.

“I am not perfect but please know that I have strong beliefs and my faith is unbreakable and cannot be shaken. I pray that we can all move forward with compassion in our hearts. Thank you.”

Pinuna rin ang songs na kinanta niya sa loob ng church gaya ng Dancing Queen at pati ang gown na suot. May slit ang gown at nasisilip ang kanyang cleavage.

Anyway, this Friday, mapapanood ang TV coverage ng Julie X Stell: Ang Ating Tinig, 9:30 p.m. sa GMA 7.

Show comments