^

PSN Showbiz

Grand BINIverse, mapapanood nang live sa buong mundo!

Pilipino Star Ngayon
Grand BINIverse, mapapanood nang live sa buong mundo!

MANILA, Philippines — Hindi lang sa Big Dome masasaksihan ang sold-out three-day concert ng BINI dahil mapapanood din saan man sa mundo nang live ang Grand BINIverse show sa iWantTFC Pay-Per-View nga­yong Nobyembre 16–18 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.?

Sa halagang P1,290, may PPV day pass na ang BLOOMs na may kasama pang pre-show at soundcheck footage kapag nag-avail ng Salamin, Salamin PPV package nito.??

Para naman sa mas bonggang viewing experience, available rin ang Cherry on Top premium package nito na may kasamang multi-cam access sa kanilang live performances, na nagkakahala­gang P2,490 kada PPV day pass.??

Mas pinasulit din ang panonood ng lahat ng show dates nito sa iWantTFC PPV, na sa halagang P2,599 ay may three-day PPV passes na sa Salamin, Salamin package nito.? ?

Mabibili ang pay-per-view passes nito simula Oktubre 15 (Martes) sa iWantTickets (tickets.iwanttfc.com) at sa iWantTFC.com pati sa official app nito (available sa iOS at Android).?

Samahan sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa pag-perform ng kanilang favorite hits na Pantropiko, Salamin, Salamin, Lagi, at iba pang bigating pasabog sa three-day Grand BINIverse concert, na mapapanood nationwide at sa iba’t ibang bansa sa iWant­TFC Pay-Per-View.?

Mapapanood naman nang libre at on-demand ang docuseries nitong BINI Chapter 1: Born to Win sa iWantTFC.?

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas mala­king screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.?

vuukle comment

BINI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with