Female personality, inililihim sa manager ang mga offer!

MANILA, Philippines — Kumuha ng bagong manager ng showbiz career ang isang female personality na ibang mundo ang unang pinasukan.

Ginastusan pa ng kinuhang manager ang announcement ng muli niyang pagbalik sa showbiz. Pero may kakaiba palang attitude ang female personality.

Kapag may inquiry sa female personality sa isang project at kakilala niya ang nag-i-inquire, hindi na niya ito pinadaraan sa bagong manager.

Rason niya, kakilala raw niya ito. At hindi lang isang beses niyang ginawa ito, huh!

Isang beses, kasama ni female star ang manager nang may biglang tumawag inquiring her availability. Hindi niya ito sinabi sa manager kahit katabi na. Siya na lang daw bahala kasi kilala niya ang taong nagtanong, huh!

May isa pang nangyaring katulad nito. Kaya naman si manager, hindi niya sinasamahan ang talent kapag hindi siya ang nagbigay ng project!

Walang kinatatakutan!

Tuwang-tuwa si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment dahil R-16 ang rating na ibinigay ng MTRCB sa latest project nitong Guilty Pleasure.

Eh all-out si Lovi Poe sa movie niyang ito kahit na nag kung minsan eh kailangan niyang i-memorize ang legal terms at provisions sa batas sa role niya bilang lawyer.

Sabi nga ni direk Connie, ibang Lovi na ang nakikita niya ngayon kumpara sa unang pagsasama nila sa pelikulang Malaya.

Eh kahit maraming maiinit na eksena sa kaparehang sina JM de Guzman at Jameson Blake, kumakawala minsan sa character ang aktres kaya naman ang director na mismo ang nagsasabing takpan na ang katawan niya dahil tapos na ang mga eksena niya! “Wala na siyang takot sa ginagawang mga eksena!” sabi ni direk Connie.

Show comments