^

PSN Showbiz

Willie, kinain ang mga sinabi noon!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Willie, kinain ang mga sinabi noon!
Gardo Versoza
STAR/File

Ibinahagi ng aktor na si Gardo Versoza ang rason noon ng late Comedy King Dolphy kung bakit hindi nito pinapasok ang pulitika.

Tila pahaging ito dahil sa sunud-sunod nga ang paghain ng mga celebrity, social media influencer at mga kilalang perso­nalidad ng kanilang certificate of candidacy (COC) nitong mga nakaraang araw para sa 2025 elections.

Kaya naman pinag-usapan ng netizens ang post ni Gardo sa litrato ni Dolphy kung saan naroon din ang sinabi nito noon.

Tanong nito, “Sa mga tatakbo sa 2025 lalung lalo na ang mga artista at sports icons, dapat bang maging gabay ang sinabi ni Dolphy?”

Maaalala kasing sa kabila ng mga paghihikayat sa Comedy King, hindi nito pinasok noon ang pulitika. At sey niya, kung papasok daw siya ng pulitika ay isa lamang ang kinatatakot niya, ito raw ay ang manalo. ‘Pag nanalo raw siya ay baka mapahiya lamang siya dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin at sayang lamang ang pagboto sa kanya ng mga tao.

Hindi nga ito nagpadala kahit pati ang dating senate president Juan Ponce-Enrile ay hinikayat din siya sa senado noon.

Napapanahon nga ito ngayon dahil ang daming celebrity ang pinasok na pulitika.

Pati nga si Willie Revillame na sinabi noon na hindi raw siya magaling mag-Ingles at walang alam sa batas, at wala siyang maiaambag kaya minabuting hindi pasukin ang senado noong taong 2021.

Natakot pa siyang lait-laitin ng mga kapwa senador na magagaling at baka raw dumating ang oras na sayang lang ang boto sa kanya.

Pero bumigay na rin siya sa mga panghihikayat sa kanya dahil nag-file na rin siya ng COC nang last minute noong isang araw.

Ayon nga sa netizens ay hindi dapat maging batayan ang popularidad at puwede naman daw tumulong nang hindi pumapasok sa pulitika.

Kaya maging matalino na dapat tayo sa mga iboboto natin.

‘Wag padala sa mga maliliit na tulong lang noh.

vuukle comment

GARDO VERSOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with