Dating teenstar UK finalist, inawit ang komposisyon ni Ogie Alcasid

Geraldine Jennings

Matapang na hinarap ng bagong Kapamilya artist na si Geraldine Jennings ang pagsubok ng pag-ibig sa kanyang debut single na If I Will Ever Love Again.

Ang awitin ay mula sa komposisyon ng OPM icon na si Ogie Alcasid na tungkol sa kalungkutan na dala ng pagtatapos ng isang relasyon.

Ikinuwento ni Geraldine na excited siyang maging bahagi ng Star Music at kung paano niya napili ang awitin bilang kanyang debut single.

“It’s about loving someone and the feeling of heartbreak which I’m sure a lot of people have experienced. But I wanted to add a sense of empowerment towards the end of the song that you will be able to love again,” saad ni Ge­raldine.

“I’m very grateful and excited to be part of Star Music. It is a very reputable company, so to be able to be part of it for my first ever single is a dream come true,” dagdag pa niya.

Inilunsad na rin ni Geraldine ang music video nito noong Set. 20 kung saan nakasama niya ang Filipino-German model na si Kirk Bondad.

Simula sa kanyang pagkabata, mahilig si Geraldine manood ng live performances ng iba’t ibang music artists. Dahil sa kanyang hilig sa musika, sumabak din siya sa musical theater singing classes.

“As a child, I loved watching performances, concerts, and films on television. From then on, I knew I wanted to also be performing on stage in front of people,” aniya.

Ipinamalas ng baguhang singer-actress ang kanyang talento sa pagsali sa Teenstar UK kung saan isa siya pinakabatang finalist ng British singing competition. Naging bahagi rin siya ng Open Mic 2020 competition na naganap sa O2 Arena sa London at naiuwi ang parangal na future music development award.

Ilan sa itinuturing niyang musical influences ay sina Sabrina Carpenter, Dua Lipa, at Katy Perry.

Napapakinggan na ang If I Will Ever Love Again sa iba’t ibang digital streaming platforms.

Sa London naka-base ang family ni Geraldine at bumalik lang sila ng bansa para i-promote ang kanyang single at today, Wednesday, babalik na sila ng ina niyang si Gina dahil naka-enroll siya sa isang University doon.

Show comments