^

PSN Showbiz

‘Satisfied sa QC!’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Satisfied sa QC!�
Mayor Joy Belmonte

Excited naman ako na nag-file na sina Bong Revilla at Alfred Vargas ng COC.

Pero isang bagay na gusto kong malaman ng lahat na very satisfied ako na nakatira sa Quezon City. Mula pa noon kay Sonny Belmonte, hanggang kay Mayor Joy Belmonte sobrang gusto ko ang services na nakukuha ko sa QC.

Talagang kitang-kita mo ang trabaho ni Mayor Joy. Safe and feeling satisfied ako sa lahat ng ginagawa ng team Belmonte.

Talagang kapuri-puri at kung nakatira ka sa QC talagang hindi mo nanaising palitan ang namamahala sa siyudad kung saan ka nakatira. Talagang hindi ka aalis dahil ang ganda ng pamamahala at kaayusan ng lugar mo.

I will forever be a satisfied QC resident dahil top of the line talaga si Mayor Joy Belmonte.

Bongga talaga.

Ruru, ayaw ng pahinga!

Ang bongga naman ng aktor na si Ruru Madrid na talagang hindi tumitigil sa kanyang workout session.

Ipinost niya na kahit solo raw siya, hindi siya tumitigil sa pagwo-workout. Hindi nga raw kailangan ng audience basta araw-araw daw may progress. Sarili raw niya ang kalaban niya at pakiramdam niya ay araw-araw siyang nananalo.

Makikita nga sa video ang workout routine niya. Ang laki na nga ng katawan nito na komento ng fans niya ay ang yummy na nga raw nito.

Kailan lamang ay sinama rin niya ang kanyang mga magulang sa gym at inalalayan ang mga ito at sabay-sabay silang nag-workout kasama ang karelasyong si Bianca Umali.

Bukod nga sa workout ay abala rin si Ruru sa Filipino martials arts training niya na makikita sa mga post niya. Mukhang hindi talaga uso sa kanya ang pahinga.

Bongga.

vuukle comment

QUEZON CITY

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with