Sobrang in love...Benjie, ‘di masaway si Kobe kay Kyline!

Benjie Paras, Kobe Paras, at Kyline Alcantara.

Pinagsabihan ni Benjie Paras ang anak na si Kobe Paras nang sagutin nito at isnabin si Manay Lolit Solis na nag-comment tungkol kay Kyline Alcantara.

Nagkita sila sa event ng Ultra Mega na ginanap sa Okada Manila noong nakaraang Sabado.

Sa IG post ni Nay Lolit ay sinabi niyang natawa na lang daw siya sa naging reaction ni Kobe at pag-isnab nito sa kanya. “Dapat talagang magmalaki si Kyline sa pagmamahal ni Kobe dahil bongga ha, sobrang precious siya para dito,” bahagi ng post ni Nay Lolit na lumabas din sa kanyang column today dito sa Pilipino Star NGAYON.

Lalo raw gumanda si Kyline sa tingin niya dahil sa ipinakitang proteksyon ni Kobe sa kanya, na tingin daw niya mas matindi ang pagmamahal nito kesa sa ipinapakita ni Kyline sa kanya.

Considering na mas marami ang nagnanasa sa kaguwapuhan ni Kobe. Sabi nga ni Benjie, wala raw siyang magawa sa anak niya kasi sobrang in love raw.

Ganun yata talaga ‘pag na-in love nang husto si Kobe, dahil nakikita naman noon sa social nang naging sila ng anak ni Ina Raymundo.

Ipinaliwanag daw ni Benjie kay Kobe na dapat masanay na ito sa mga biruan sa showbiz kung seryoso na ito sa pag-aartista.

Hindi pa masabi sa ngayon kung seryoso na ba si Kobe sa showbiz, kaya siguro hindi pa nila in-open na official na sila ni Kyline.

Nabukelya lang ito nang nairita siya sa komento ni Nay Lolit kay Kyline na dapat na ma-link daw ito sa mga ka-level ng kasikatan nina Sharon Cuneta o Kris Aquino.

Tingnan natin kung tuluy-tuloy na ang pag-aartista ni Kobe, dahil dito pa lamang siya umarte sa mini-series na pinagsamahan nila ni Kyline na Miss Legends.

Kung mag-aartista na si Kobe, magpapa-manage kaya siya kay Manay Lolit?

Naku! Tiyak na ‘di naman type ni Nay Lolit na i-manage si Kobe at baka gusto raw nitong maka-partner ay si Kyline Alcantara lang.

Sang’gre, ginagawa pa ang set!

Kasali pala si Benjie Paras sa telefantasya ng GMA 7 na Sang’gre. Pero patigil-tigil daw ang taping nila dahil sa hindi pa pala tapos ang set na gagamitin nila sa fantasy scenes nito.

Nakausap namin si Kelvin Miranda sa birthday party ng producer ng Waterplus Productions na si Marynette Gamboa nung nakaraang linggo, at sinabi ni Kelvin na tuloy pa rin naman daw ang taping nila para sa Sang’gre, pero ginagawa pa raw ang studio na kung saan doon ang eksena ng Encantadia.

Sobrang laki raw ng production nitong Sang’gre, kaya talagang pinapaganda raw ang set. “Malaki ang kailangang time para buuin ‘yung set e. May ibang eksena pa sa labas na kailangang kunan. Pero naghahanda pa sila ngayon.

“Marami na rin namang nakunan sa lupa… alam ko halos sarado na yata ‘yung mga eksena sa lupa. Ang susunod na mag-focus kami ay ‘yung sa mundo ng Encantadia. Tuluy-tuloy naman po ‘yung taping ko,” pakli ni Kelvin.

Mukhang ginastusan talaga ng GMA 7 ito dahil fantaserye naman talaga ang forte ng Kapuso network. Saka kapag maganda ang project, talagang ginagastusan nila nang husto.

Kagaya ng Pulang Araw nina Alden Richards at Barbie Forteza, nakakamangha talaga ang production value.

Hindi lang siguro talaga gusto ng televiewers ang ganung historical na kuwento. Pero sana panoorin ito lalo na ng mga kabataan, ng mga estudyante para malaman talaga nila ang detalyadong kuwento noong panahon ng giyera.

Sobra nilang ni-research para hindi sila magkamali sa paglalahad ng kuwento ng mga pinagdaanan ng ating mga kababayan nung World War II.

Show comments