Willie ayaw na sa studio, susubok sa Senado

Willie Revillame

At ayun na nga, tatakbo na si Willie Revillame as senator sa darating na elections. “At this point and time of my life, siguro this is the turning point na magsilbi sa buong Pilipinas. Hindi ‘yung sa isang studio lang.”

Pasaring o paalala?

May magandang sinabi si Kylie Padilla tungkol sa pagiging mahusay na leader: “A good indicator of a great leader is a man who can lead his family.”

Para ‘yan sa lahat, siguro naman!

Mega, handa na sa kampanya ni Kiko

“And here we happily go again…” ‘yan ang post ng Megastar Sharon Cuneta sa pagfi-file ng candidacy ng asawa niyang si Kiko Pangilinan sa pagiging senador ulit.

Ang tanong ngayon, since independent tatakbo si Kiko, sino sa mga artistang malapit sa Megastar ang tutulong sa kanila?

Hindi naman bago si Kiko sa isang indie campaign! Tulung-tulong na lang!!!

Matthew Mendoza, nag-file sa Palawan

Ang dami talagang artistang nag-file ng candidacy para sa darating na eleksyon. Hindi lang masyadong mababalita pero pati pala ang guwapong Palaweño na dati na rin namang lingkod bayan na si Matthew Mendoza ay tatakbo bilang City Councilor?

In fairness kay Matt ha, napanatili niya ang kanyang itsura at built kahit nag-mature na.

Alam n’yo bang bago sa kanyang pagtakbo, nakatapos pa si Matt ng dalawang teleserye: ang Bagman sa ABS-CBN at Padyak Princess sa TV5? Palarin man o hindi sa pulitika, although maganda naman ang track record niya, puwedeng-puwede pa siyang magbalik-showbiz.

Docu ng Eraserheads, isasali sa MMFF

Gaano katotoo na ang Eraserheads Documentary ay sinubmit para sa Metro Manila Film Festival 50 at ang saya lang na ang gawa ni Babyruth Villarama ay may chance mapanood ng wider audience? Bagong audience ito para sa pelikulang Filipino kung sakali!

Ma-appreciate kaya ito ng MMFF Selection Committee? Sana.

Nakakataquote:

“At the rate things are going, the next Film Academy Awards will take place at the Batasan.”

– Jose Javier Reyes chairman, Film Development Council of the Philippines

Show comments