Timing ang paglabas ng post ni Kylie Padilla na reminder kung ano ang isang good leader sa pagpa-file ni Aljur Abrenica ng CoC sa pagtakbo niyang konsehal sa Angeles City.
Post ni Kylie: “A great indicator of a good leader is a man who can lead his family. That is his first unit, his first community. A man who raises his kids with good values, integrity and humility. A man loyal to his wife and remains true despite obstacles. A man who has a heart close to God. Service is about what you can do for others, not what they can do for you.”
Sabi ng netizens, tila pahaging ni Kylie ang kanyang post kay Aljur, pero may balik ang netizens sa Kapuso aktres. Sana raw, hindi na lang siya nagsalita dahil sa tatay niyang si Sen. Robin Padilla na marami ang isyu sa pagiging senador.
Marami agad ang dumepensa kay Robin, kahit daw may mga anak ito sa ibang babae, he is a good provider at hindi pinababayaan ang mga anak. Again, may kumontra dahil hindi raw ibig sabihin na good provider ka ay good leader ka na.
Sana may magtanong ng reaksyon ni Aljur sa post na ito ni Kylie at sa magiging sagot ni Aljur, malalaman kung okay ang relasyon nila.
Ang netizens naman, karamihan sa kanila hindi ready sa pagpasok ni Aljur sa pulitika. Mas marami ang negative comments sa positive.
Rhian, bumuwelta sa pagtulong
Sinagot ni Rhian Ramos ang nag-comment na sana ginagawa nila ng boyfriend niyang si Sam Verzosa ang pagtulong sa hindi panahon ng eleksyon.
“Actually, matagal na po kaming gumagawa ng mga projects to improve other people’s quality of life. Baka ngayon mo lang pinansin dahil elections nga. Alangan namang itigil namin mga charity project namin just cause elections next year... mas okay ba kung bag na lang hiningi ko for my birthday?” sagot nito.
Hindi na siya sumagot sa argumento ng netizen na ang tinukoy ay ang SioMaynila business and livelihood project na ipinamigay ni Rhian sa napiling 20 solo parents sa nakaraan niyang birthday.
Sabi ni Rhian, “With the help of professionals, I worked on the name, logo, and branding... at nagsimula na ang mga food tasting, sourcing ng suppliers, at pagpapagawa ng mga foodcarts namin, kasama ng pamilya at team niya (si Sam ang tinukoy ni Rhian).”
In fairness, mas marami ang natuwa at nagpasalamat sa kanya sa ginawa niyang tulong kahit ang mga hindi natulungan, nagpasalamat din.
Ginawa raw nitong more meaningful ang kanyang 34th birthday, mas meaningful ito kesa luxury bag na puwede niyang hingin na birthday gift sa boyfriend.
Ken nasa abroad pa rin, ‘di na nahintay sa pangarap…
Magtatapos na lang ang Abot-Kamay na Pangarap, may pasabog pa rin ang series. Magbabalik ang karakter ni Gladys Reyes na gumanap sa role ni Morgano Go at pinahulaan pa lang, nakilala na agad kung sino ang nakatalikod na pinahulaan na magbabalik.
Ang daming invested sa story ng AKNP, ang daming suggestion ng viewers kung ano ang dapat gawin ni Morgana Go kay Moira (Pinky Amador). Parang kasali sa story ang viewers sa pakiusap na ipaghiganti sila kay Moira.
Natawa lang kami sa nag-comment na akala raw niya, si Ken Chan ang nakatalikod na pinahulaan at pinahaba lang ang buhok. Hindi na nakabalik sa series si Ken na nasa abroad daw.
Hindi na rin nahintay ang pagbabalik niya dahil magtatapos na nga ang series.