^

PSN Showbiz

Anna Mae Yu Lamentillo, itinalaga na editor in chief sa London!

Pilipino Star Ngayon
Anna Mae Yu Lamentillo, itinalaga na editor in chief sa London!
Ms. Anna Mae Yu Lamentillo.

Wow, Pinay ang bagong Editor in Chief ng London School of Economics (LSE) International Development Review (IDR), si Ms. Anna Mae Yu Lamentillo.

Si Ms. Anna Mae ay humalili kay Hannah Pimentel, na dati nang namuno sa journal.

Sa kasalukuyan siya ay nag-aaral ng MSc in Cities sa LSE at nagdadala ng malawak na karanasan sa pamamahala, imprastruktura, at napapanatiling kaunlaran sa publikasyon.

Ang LSE International Deve­lopment Review, na inilalathala ng LSESU Internatio­nal Development Society, ay isang journal na naglalayong isulong ang mga ta­lakayan sa larangan ng pandaigdigang kaunlaran.

Tumututok ito sa usapin ng kaunlaran at tinatalakay ang mga usapin sa pulitika, pag-aaral sa kaunlaran, pag-aaral sa migrasyon, pampulitikang ekonomiya, pag-unlad ng tao, kalikasan, at pandaigdigang kalusugan.

Bilang Editor in Chief, makikipagtulungan si Anna Mae kina Caitlin Rieuwers at Imane Belrhiti, ang mga bagong hinirang na associate editors, upang higit pang isulong ang misyon ng journal na palawakin ang akademikong husay at makabagong solusyon sa patakaran.

“Lubos kong ikinararangal na tanggapin ang tungkuling ito sa isang napakahalagang panahon para sa diskurso sa pandaigdigang kaunlaran. Ang LSE International Development Review ay isang natatanging plataporma para sa pagpapalakas ng mga makahulugang talakayan at paghubog ng makasulong na mga patakaran,” sabi niya sa isang statement.

Kahit saan talaga, ang Pinoy, napapansin.

Whitney Houston, bibigyang-pugay sa NWR!

Mula sa makikinang na ilaw ng Las Vegas, isang epic tribute ang inihanda para kay Whitney Houston sa country’s premier entertainment and lifestyle destination, ang Newport World Resorts. Sa wakas ay masasaksihan na ng mga tagahanga niya rito sa bansa ang Queen of the Night: Remembering Whitney concert na pagbibidahan ng widely-acclaimed songstress na si Trina Johnson Finn sa Oct. 12 sa Newport Performing Arts Theater.

Ang Queen of the Night: Remembering Whitney ay isang touring tribute na nagbibigay-pugay sa musika, buhay, at legacy ni Whitney Houston. Pinangalan ito mula sa hard rock single mula sa The Bodyguard soundtrack, at ipinagdiriwang ang 30 taon ng mga hits na inawit ng superstar na kilala bilang The Voice para sa mga awiting I Will Always Love You, I Wanna Dance with Somebody, Where Do Broken Hearts Go, at Saving All My Love for You.

Ang multi-talented na si Finn ay isa sa ilang artista sa mundo na tunay na nakakakuha ng power-packed vocals at larger-than-life stage persona ng pop diva sa pamamagitan ng masisiglang dialogue at kwento tungkol sa yumaong artista sa isang high-energy show.

Kaya maghanda na makisayaw sa Queen of The Night: A Tribute to Whitney sa Newport Performing Arts Theater. Available na ang tickets sa lahat ng TicketWorld outlets: P6,500 (PLATINUM), P5,500 (SVIP), P4,500 (VIP), P3,000 (GOLD), P2,000 (SILVER), at P1,000 (BRONZE). For inquiries, contact James Edward Rodriguez at 0917 829 2173, Paulo San Jose at 0917 810 5031, Raf Sangco at 0917 807 9387, and JhayR dela Cruz at 0917 818 9847.

vuukle comment

SHOWBIZ

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with