Lola Gretchen 34 lang ang beywang, naging inspirasyon si Heart

Gretchen Barretto

Ahh si Heart Eva­ngelista pala ang naging inspirasyon ni Gretchen Barretto kaya alagang-alaga niya ang sarili.

“You have to really take care of yourself. Like I said, mentally, physically, emotionally, spiritually,” umpisa ni Gretchn sa pag-uusap nila ni Dra. Aivee Aguilar Teo habang nasa clinic ang partner ni Tony Boy Cojuangco.

Nag-viral nga si Gretchen recently dahil sa kanyang youthful looking photos.

As in napa-wow ang lahat at napa-sana all.

Kasi pala, 34 lang ang waistline niya. Parang pang teenager kumbaga.

“Well, Heart inspired me, right?

“When we saw her the last time, I was telling her, Heart, you inspired me. I said, wait a minute. She’s alive; she’s vibrant; she’s very energetic. So I said, let’s go for it. Let’s go for it.

“Okay, now, Heart I’m size 34. Thanks to you,” kumpisal ni Gretchen sa derma ng mga sikat na celeb.

“I know. See, Heart, you’re inspiring all of us,” sabi naman ng doktora.

“You’re inspiring the Titas of Manila,” susog naman ni Gretchen na ang tinutukoy nga ay si Heart,

Kaya naman daw, Heart is doing a good job.

“Doing a very good job. Excellent,” dagdag ni La Greta sa kanilang pag-uusap sa isang Reel video ng doktora.

“And she looks good. She’s happy. She’s owning her own stage,” sabi ulit ng doktora na inayunan ni Gretchen.

“She is above all. Yes! And that’s why she’s very happy.”

Kaya naman daw, cine-celebrate niya ang mga tagumpay at kagandahan ng maraming kababaihan

“You must be happy for others,” na aniya ay pinaka-importanteng bagay sa lahat.

Pero nauna na ring nabanggit ni Heart na gandang-ganda rin siya kay Greta,

Nung minsan nga raw na nagkasabay sila sa clinic, nagbigay pugay talaga raw si Heart.

Bongga si Gretchen na kahit na nga hindi siya active sa showbiz, hot item naman siya sa social media.

At higit sa lahat, kahit isang lola na siya ini-enjoy niya ang buhay lola!

Ibinahagi nga ni Dominique Cojuangco ang photo ng kanyang ina kasama ang kanyang apo, si Penelope.

Nakatitig si lola  Gretchen sa kanyang apo habang nakaupo sa kama.

Show comments