Luchi Cruz, binigyan ng pagpupugay sa kahusayan sa broadcast journalism
Nagretiro na ang kilalang broadcast journalist na si Luchi Cruz-Valdes matapos ng 15 taon na pamumuno bilang head ng TV5 news organization na News5.
Bilang pagkilala sa kanyang achievements, nagbigay ng tribute para sa kanya ang TV5 Management sa pangunguna ni President and CEO Guido R. Zaballero na ginanap sa TV5 Media Center Studio 6 sa Reliance, Mandaluyong.
Simula 2010, kabilang sa mga accomplishments ni Luchi ang mga groundbreaking initiatives tulad ng digital platform na 360/News5Everywhere at Radyo5 92.3 True FM, ang kauna-unahang FM radio news channel sa bansa.
Siya rin ang nagpakilala sa 24/7 Filipino News Channel na AksyonTV at naging bahagi sa pag-develop ng premium news channel ng Cignal TV, ang One News.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, matagumpay na pinangunahan ng News5 ang tatlong presidential elections at nakipagtulungan sa PLDT at Smart Communications sa paggamit ng makabagong teknolohiya para sa mas pinahusay na coverage. Si Luchi ang nagsilbing moderator ng 2016 presidential, na nanatiling isa sa mahahalagang turning points ng nasabing eleksyon.
Ngayong taon ay tinanggap niya ang parangal na Best TV Public Affairs Program Host sa 12th Makatao Awards for Media Excellence ng People Management Association of the Philippines (PMAP).
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nakabuo ang News5 ng isang dynamic team ng mga anchor, correspondent, at producer.
Tinulungan di ni Luchi na itaas ang standards ng journalism sa pamamagitan ng mga award-winning na newscasts at public affairs programs. Ang commitment niya at integridad sa pagbabalita ang nagpatibay sa reputasyon ng News5 bilang ginagalang at maasahang news organization.
- Latest