^

PSN Showbiz

Nora, Aljur, Abby, at iba pa, lalaban din!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nora, Aljur, Abby, at iba pa, lalaban din!
Nora Aunor

Isa kami sa nagulat sa pagpasok muli ni Nora Aunor sa pulitika. Kasama ang superstar sa  bagong partylist na People’s Champ at siya ang second nominee.

Ang nasa first nominee ay ang dati ring Congressman ng Bicol Saro na si Nick Enciso na in-endorse ni Nora nung nakaraang election.

Halatang kabado si Ate Guy nang humarap ito sa media.  “Para po sa industriya po ng pelikulang Pilipino. Para po sa mga kasamahan kong artista, sa mga maliliit na nagtatrabaho sa industriya ng pelikulang Pilipino, sa musika,” pahayag ni Ate Guy sa kanyang pagkandidato.

Tinanong din siya kung bakit pumayag siyang nasa second nominee at hindi first. “Para po makatulong…para po makatulong sapagkat iyun po yung pangarap ko nung araw pa na makatulong sa ating mga kababayan, dahil galing nga po ako sa hirap. Kaya alam ko ang pakiramdam ng ating mga kababayan na nangangailagan ng tulong.

“Kahit naman po third nominee ka o 4th nominee, iboboto ka ng tao….” saad nito.

Nilinaw naman ng dating Cong. Nick Enciso na napag-usapan na raw nila ni Nora na kung isa o dalawa ang makuhang seat sa Kongreso, lahat naman daw sila sa partylist nila ay panalo.

Sen. Bong Revilla

Bukod kay Ate Guy ay nag-file na rin kahapon ng COC si Abby Viduya bilang konsehal ng Paranaque dahil tapos na ang termino ng asawa niyang si Jomari Yllana. Si Aljur Abrenica ay tumakbo ring konsehal ng Angeles City, at si Angelika dela Cruz naman na matagal nang barangay captain sa Malabon ay nag-file bilang Vice Mayor ng naturang lungsod.

Kahapon ay nag-file na rin si Sen. Bong Revilla ng kanyang COC bilang Senador uli.

Sinuportahan ito ng mga taga-Cavite na dumagsa sa kanilang proclamation rally sa Bacoor City.

Hiningan namin siya ng pahayag kaugnay sa mga artistang ngayon pa lang susubok sa pulitika.

Ang dami na kasing mga kilalang artistang baguhan palang sa larangang ito. Naba-bash tuloy sila na tingin ng iba, walang karapatan ang mga artistang tumakbo. “Ang masasabi ko  sa mga papasok na mga bago, basta lagi nyo isasapuso yung kalagayan ng ating mahihirap na kababayan.

“Sa tingin ko naman, hindi natin puwedeng matahin kahit sino man. Karapatan nilang magsilbi, as long as nasa puso nilang magsilbi at pagmamahal sa bayan. Yun naman ang pinakaimportante diyan e.

“Wala naman sinabi sa batas o sa constitution na kailangan kang maging abogado para ikaw ay pumasok sa pagsisilbi sa bayan,” pahayag ni Sen. Bong.

Sa mga artistang tatakbo naman, dapat ay talagang mag-aral daw sila dahil kulang pa sa karanasan.

Mag-30 years na si Sen. Bong sa public service, at ang dami na niyang natutunan sa pagiging pulitiko, na dapat daw makinig sa mas nakakaalam at pag-aralan itong mabuti.

“Ang importante, kailangan may pinag-aaralan mo, kailangan handa ka sa pag-iisip, sa talino, at matuto kang kung ano yung dapat gawin, yung tama at yung mali na hindi dapat gawin.

“Of course lahat yan e! Ako nagsimula ako bilang bise gobernador ng lalawigan ng Cavite, naging gobernador, naging VRB Chairman ako, tapos naging senador ako 2004.

“Kung ako ay papalarin, pangatlong termino bilang Senador,” sabi pa ni Sen. Bong.

Nagpapasalamat din siya na kahit magsisimula na siyang mangampanya, bibigyan pa rin siya ng GMA 7 ng isa pang season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Kailangan pa rin daw niyang mag-artista dahil iyun ang pinagkakakitaan niya. Bago mag-end ng October ay magsisimula na siyang mag-taping at kailangan lang daw niyang ayusin ang kanyang schedule.

“Time management,” bulalas niya.

“Ako perfect attendance ko sa Senado e. Hindi ako uma-absent. Eto ang ating bread and butter sa showbiz e,” bulalas ng actor/politician.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with