^

PSN Showbiz

Magkapatid na Lino at Alan Peter, malalim ang away?!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Magkapatid na Lino at Alan Peter, malalim ang away?!
Lino

Totoo bang malalim ang hidwaan ng magkapatid na Lino at Alan Peter Cayetano nang dahil lang sa politika?

Ang maganda lang dyan ay minabuti ni Direk Lino Cayetano na hindi kalabanin ang asawa ng kapatid niyang si Alan Peter para sa pagka-Mayor. Nagdeklara si Lino ng kanyang planong tumakbo nilang Congressman. Ang nakakagulat dito ay may ibang kandidato pala si Alan Peter sa nasabing posisyon, kaya napa-post tuloy si Lino ng “My brother Alan Peter Cayetano endorsing his candidate for Taguig-Pateros Congressman. God bless him.”

Ano ba? Sarili mong kapatid, lalabanan at ililigwak mo pa? O ang lusot ay against si Senator sa dynasty? (Talaga lang ha, at kay Direk Lino pa talaga gagamitin ang ganyang rason, excuse me!)

Nora, nag-iba ng partido

Ayan na!  Tatakbo rin ang Superstar at National Artist Nora Aunor bilang 2nd nominee ng Party List na People’s Champ.

Bakit nag-iba ng partidong sinusuportahan ni Ate Guy? Who knows? Ano na ang nangyari sa una niyang inenendorso na Saru dati?

Malamang wala na ‘yun. At malinaw na hindi lang endorser si Ate Guy kundi 2nd nominee po siya.

So it’s a tie sila ni Ate Vi na tatakbo rin sa Batangas kasama ng kanyang mga anak? Bakit ba pati ang mga sikat na artista ay nahahaling din sa kapangyarihan sa gobyerno? Hayyyyy naku!

So, James Reid is back in ASAP!  Nakatulong ba ito sa pagtaas ng ratings. In fairness sa AOS, nag-ala Ely Buendia sila at maganda rin ang ra­tings nito ha!

Sana ganun, patuloy na nagpapagandahan ang mga show sa TV para makita ng mga tao na nag-e-effort ang mga gu­magawa ng shows at hindi lang kung anik-anik ang ipinalalabas.

Joey at Liza, magkasama sa Busan

Parehong nagpo-post na nasa Busan Film Festival sina Direk Joey Reyes at Liza Diño ngayon, ang present at former Film Development Council of the Philippines Chairpersons. Magkrus kaya ang mga landas nila roon?

Noong huli silang magkasama ay nagkasabay sila sa Philippine Night sa isa ring prestihiyosong international film festival, then pagdating dito sa ‘Pinas, demandahan na. Ganu’n na ba ang level ng pakikitungo ngayon?

Teka ano na nga ba ang update sa demanda?

Nag-flourish ba o dismissed na?

Nakakataquote:

“Tinulungan mo noon! Sinisiraan ka na ngayon! Saklap diba!”

“Oo ikaw alam mo kung sino ka ‘wag post ng post... Mga tao talaga...”

— Julia Montes (wala bang clue ang karelasyon ni Coco Martin?)

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with