Rhian, binilad ang stretch marks!

Rhian Ramos.

Kung nung nakaraan ay baby ang peg niya sa pinost na birthday shoot ay nagpaka-daring naman siya sa panibago niyang ipinost na photos.

“I’m not gonna lie, when I look at the mirror, my mind tells my body all sorts of harsh, mean things. But they say that one day, we’ll all reach an age when we’ll wish we had our old bodies back.

Gusto raw niyang i-appreciate ang sarili ngayong 34 na siya.

“We’ll realise we were never as “ugly” as we thought we were. Its taking some work, but I don’t wanna wait for that day, I wanna appre­ciate me now, NOW. This is it. This is 34,” caption niya sa kanyang photos.

Teamwork pala ito ng mga kaibigan niya kung saan sina Janina Manipol at Sandy Ricco ang kumuha ng litrato.

Walang ka-effort-effort nga at wala siyang masyadong props dahil kumot lang at tila wala siyang suot na damit na birthday suit daw ang theme ng kanyang photo. Pero lutang ang kaseksihan niya at nagpainit siya sa kanyang post.

Hinangaan pa siya na hindi niya in-edit ang kanyang photos at nilabas ang kanyang stretch marks.

Ang ganda raw talaga nito na papasa pang early 20s o teenager na wala ngang dudang isa ito sa may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Bongga.

Show comments