Alexa, nahirapang kumawala sa pagiging tiyahin

Alexa Ilacad.
STAR/ File

Simula ngayong Miyerkules ay mapapanood na sa SM cinemas ang Mujigae na pinagbibidahan ni Alexa Ilacad. Nakatrabaho ng dalaga sa naturang proyekto ang Korean actor na si Kim Ji-soo. Ayon kay Alexa ay nakaramdam siya ng takot noong una sa binata. “When I saw Ji-soo for the first time, he’s so tall. I am so small so ‘pag tinitingnan ko siya nakatingala ako talaga. And I didn’t know if he spoke English. So, I was afraid that there was gonna be a language barrier. He looks really serious, like game face on. Tapos sinalang agad kami sa isang scene, parang workshop. So, I have to break the ice. He’s very nice. And slowly but surely, day by day, he started opening up to everyone. Nakikipagbiruan na siya sa lahat,” kwento ni Alexa sa BRGY show ni Bianca Gonzalez.

Ginampanan ng aktres ang karakter ni Sunny na tumayong ina para sa naulilang pamangkin. Mayroong mga natutunan si Alexa tungkol sa pagiging isang magulang dahil sa naturang pelikula. “Motherhood is tough work. ‘Yon ‘yung na-realize ko while having to take care of the child. This is hard work and it’s a commitment. Love is a choice every day and mom chooses to love their kids to death everyday,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Nang matapos ang shooting ay nahirapan umano si Alexa na kumawala sa ginampanang karakter. Mayroong pagkakataon na kinainggitan pa ng aktres si Sunny. “Honestly, saying goodbye, I had such a hard time during the ride home na kailangan kong kumawala kay Sunny. Kasi I really enjoyed playing her character. And I was so proud of her character development to the point na nainggit ako, for me as Alexa. Sunny in the beginning, I guess the trauma she went through turned her into a very sheltered person with such high walls, cold heart, and hyper indepen­dence, which is something I think I am in a way. I feel like I used to be such a lively, bubbly child and going through so many things at such young age led me to having such high walls and the same hyper independence. And I just admire how she was able to overcome that,” pagbabahagi ng aktres.

Jennica, graduate na sa aesthetician school

Kamakailan ay nakapagtapos ng kurso si Jennica Garcia sa isang Aesthetician school. Para sa aktres ay importanteng puhunan bilang isang artista ang pagkakaroon ng magandang balat. Natutunan ni Jennica ang mga bagay na hindi nakikita ng mga mata tungkol sa balat ng tao. “Nakita ko do’n sa school, ‘Oh my gosh, ang ganda lang pala tingin outwardly ng skin ko.’ But looking at it on a cellular level, a little bit deeper. You will see the imperfections  and things that could have been. Kumbaga pwede mo sanang iwasan if you made healthy life choices,” paglalahad ni Jennica.

Mayroong dalawang anak ang aktres at Alwyn Uytingco. Ilang taon na ang nakalilipas nang magkahiwalay ang mag-asawa. Kahit kabi-kabila ang ginagawang proyekto ay sinisikap umano ng aktres na magampanan ang mga tungkulin sa mga bata. May mga pagkakataong ginagaya umano ng mga anak kung ano ang nakikitang ginagawa ni Jennica. “‘Yung mga bata talaga, what they see you doing, they’d be so inclined to do as well. So, because my child sees me what I’m doing, putting on so many skincare, not just on my face but also on my body, she’s very curious. My 9-year-old started putting sunscreen na everyday,” kwento ng aktres. (Reports from JCC)

Show comments