Guwapong aktor at misis, naghiwalay nang i-frame up ng ahas na kaibigan

Ang sama pala ng ginawa ng isang taong malapit kay guwapong aktor at isa raw ito sa dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa kanya ang maganda nitong asawa.

Ang unang narinig namin, malaking halaga raw ang naloko nitong kaibigan ni aktor kaya nagkagulo-gulo silang mag-asawa.

Isa raw ‘yun sa mga dahilan kung bakit nauwi sa hi­walayan. Pero ang isa pang nasagap naming dahilan ay dahil sa ginawa raw nitong kaibigan ni aktor.

Na-set up daw itong si aktor ng kaibigan niya nang niyaya niya itong magpamasahe sa isang massage parlor.

Dalawang masahistang babae raw ang ibinigay nung kaibigan kay guwapong aktor na obviously, may ‘happy ending.’

Lingid sa kaalaman ni guwapong aktor, na-video pala itong nilaro-laro raw ng dalawang babaeng masahista ang pagkalalaki ni guwapong aktor.

Nakunan daw ‘yun nang buong-buo ng kaibigan, at ang masama pa ipinadala raw ang video na ‘yun sa asawa ni guwapong aktor.

Isa raw ‘yun sa pinag-awayan nila, hanggang sa nauwi sa hiwalayan.

Itong ahas na kaibigan ni aktor ay matagal na raw palang may masamang balak sa asawa ni aktor.

Type niya pala ito at gusto raw matikman. Pero hindi umubra itong si kaibigan sa asawa ni aktor.

Sabi ng aming reliable source, kung mapapansin n’yo sa kuha dati sa kasal ni guwapong aktor, nung nagpa-picture daw ang mga malalapit na kaibigan, tumabi raw itong si kaibigan sa asawa ni aktor na parang naharang pa itong si aktor. Kuhang-kuha raw sa video na hinawi ni aktor itong epal na kaibigan para mapalayo sa kanyang asawa.

May mga ganito pa palang kasamang tao sa kanilang kaibigan, kahit maayos ang pakikitungo sa kanila?

Nakakalungkot at nasira ang pagsasama nitong mag-asawa dahil lang sa ahas na kaibigan!

Luto raw… pambato ng pinas, lotlot sa Miss Cosmo 2024!

Nag-trending pa rin hanggang kahapon ang Miss Cosmo 2024 at ang kandidata nating si Ahtisa Manalo na hanggang top 10 lamang ang inabot.

Sobrang nalungkot ang mga kabadingan dahil kung nakapasok lang daw sana sa top 5 at napasali sa question and answer portion, tiyak na kakabugin nito ang kapwa candidates.

First year pa lang itong Miss Cosmo at kakaiba ang format nito sa ibang international beauty competitions. Dapat talaga matalino ka dahil pagkatapos ng top 5, pipili pa ng top 2 at doon ka na maki­pagtunggali para sa koronang Miss Cosmo.

Kaya lang dadaan ka sa parang debate na kung saan tatalakayin ang mga relevant issue ng mundo, kagaya ng sa ating kapaligiran at kung paano ito mapangalagaan.

Nang napili ang top 10, lumutang naman talaga itong kandidata ng Indonesia at Thailand.

Pero nakuha ang title ng Miss Indonesia na si Ketut Permata Juliastrid.

Hindi naman nagpahuli ang kandidata nating si Ahtisa na kahit hanggang top 10 lang siya, nakuha naman nito ang special awards na Miss Cosmo Tourism Ambassador at People’s Choice Award.

Ang Fil-Kiwi na naging artista rito sa atin na si Franki Russell ay nag-represent ng bansang New Zealand. Hanggang top 21 lang siya, pero nakuha niya ang Best In National Costume.

Ang Pinay actress na at Miss International 2016 na si Kylie Verzosa ang isa sa nag-host sa naturang competition na ginanap sa Saigon Riverside Park sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Lumipad pa nga roon ang ka-PEP Troika kong si Noel Ferrer kasama sina Dyan Castillejo at Louie Heredia para sumuporta kay Ahtisa. Pero hindi naman nila kinuwestiyon ang nanalo, kahit may bulung-bulungang niluto raw ito.

Pagkatapos daw napili ang top 5, nahuhulaan na nilang magla­laban ang Miss Thailand at Miss Indonesia sa titulong ito.

Ang first Miss Cosmo 2024 ay makakatanggap ng tumataginting na 100 thousand US dollars.

Show comments