Umalma pala si Barbie Imperial sa ipinakakalat na fake news sa kanya.
Aniya, nagagamit ang mga kasinungalingan para pagkakitaan ng iba. Asan na raw ang fact checking.
“Ang daming pages ngayon na puro negativity ang pinopost. Worse, puro kasinungalingan para lang umangat ang engagements at kumita ng pera gamit ang paninira. Nagegets ko naman na kailangan kumita ng pera pero sana sa paraang hindi mag sisinungaling. Ingat sa pag comment and like, pinapayaman nyo po yang mga may ari ng pages na yan nakakalungkot kasi paninira na ang strategy ng marketing ngayon, at ang daming naniniwala without fact checking,” buong post niya.
Sa true lang grabe na talaga ang social media ngayon.
Andaming fake news na ewan kung bakit naman sini-share ng iba.
Nauna na ngang pinabulaanan ng ABS-CBN na hindi tsutsugiin si Barbie sa FPJ’s Batang Quiapo matapos nga itong bumiyahe sa Italy na nakaapekto diumano sa taping nila Coco Martin.
Bumiyahe nga raw si Barbie sa Italy upang makipagkita diumano kay Richard Gutierrez (pero wala silang magkasamang picture na ipinost nila) na nag-taping naman ng Incognito sa nasabing bansa.
Biktima rin ng fake news si Kris Aquino. Kesyo ikakasal na raw siya kay Dr. Michael Padlan ng Makati Medical Center at isang very private event daw ito.
Pero super fake. In fact., tuloy pa rin daw ang pagpapagamot ni Kris sa kasalukuyan.
Mismong si Kris na rin ang sumagot sa nasabing fake news sa malapit sa kanyang si Dindo Balares na former editor ng Balita.
Aniya sa sagot kay Bro Dindo: “Kuya Dindo, the best answer to that fake news is how can your panganay who has adult onset asthma and has publicly admitted to having Chronic Spontaneous Urticaria and is currently undergoing treatment that makes her extra sensitive to direct sun exposure and as you yourself know sobrang allergic ako sa mga dahon ng puno (trigger ng allergic rhinitis and asthma for me) especially grass as in damuhan - does it make sense na pipili ako ng outdoor venue? Na punung-puno ng halaman? Hindi lang ako ang may asthma, si Bimb also has asthma.
“Kuya Dindo, kung totoong kilala ako nu’ng nag-scoop nito alam niya dapat ‘yung alam na alam mo -- hindi friend ng respiratory system ko ang mga puno at lalo na ang grass, kahit nga astroturf bawal because maraming alikabok na puwedeng ma-collect.”
Ayon na, end of story. Kaya ‘wag maging gullible sa mga nababasa sa social media.