Barbie Almalbis at Jikamarie, back-to-back sa Calle!
Nagbabalik ang Sips & Sounds sa El Calle Food & Music Hall sa ikalawang session. Naging popular sa music fans ang bagong signature entertainment event mula sa Newport World Resorts dahil sa laid-back jam, masasarap na pagkain at fine mix ng mga inumin.
Sa Oktubre 11, mula 8 p.m., pakikinangin ng monthly acoustic affair ang alt-rock icon na si Barbie Almalbis at ang breakthrough rhythm and blues artist na si Jikamarie, sa kanilang back-to-back performance.
Mula sa mga panahong kasama ng singer-songwriter ang Hungry Young Poets at Barbie’s Cradle, hanggang sa kanyang solo career, ang tunog niya ay anthemic para sa isang henerasyon, na hits gaya ng Torpe, Firewoman, Tabing Ilog, at High. Asahang madadama ang lahat ng feels sa kanyang mix ng classic tracks at bagong material sa isang intimate, nostalgia-tinged set.
Sa kabilang bahagi ng genre-bending lineup, ipakikita ni Jikamarie ang kanyang signature dreamy, love-struck tunes sa stage. Ang breakout star noong 2023 ay sumikat sa kanyang viral hit na Lutang na bumihag sa mga tagapakinig sa TikTok at nanguna sa viral charts ng Spotify sa loob lamang ng isang buwan. Mula roon, lalo pa siyang umangat, nagbukas sa sold-out shows ng Coldplay ilang buwan lamang ang nakalilipas.
Sa pagpapakita ng mga talento ng mga Pilipino, ang country’s premier lifestyle and entertainment destination ay magbibigay ng pagkakataon sa mga local artist na magningning.
Kaya makiisa na sa intersection ng art at culinary delights sa El Calle Food and Music Hall na matatagpuan sa 2F Newport Mall kung saan libre lamang ang pagpasok.
ASAP, pasabog ang grand kapamilya homecoming
Handa na ang ASAP stage para sa isang Grand Kapamilya Homecoming ngayong Linggo (Oktubre 6) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Sumama sa isang bonggang kick-off celebration para sa ASAP 30 na may all-star opening performance mula kina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Belle Mariano, Alexa Ilacad, AC Bonifacio, Gab Valenciano, Gela Atayde, Ken San Jose, at Jameson Blake.
Ipagpatuloy ang kasiyahan sa pagdiriwang ng kaarawan at concert milestone ni Erik at sa pagbabalik entablado ni Angeline, na makakasama rin ang kapwa OPM icon na si Yeng.
Maki-celebrate rin kay Outstanding Asian Star Kim Chiu na may hinandang pasabog na dance performance.
‘Wag palampasin ang kaabang-abang na collab performances nina Regine at Jeremy Glinoga, Maymay at Denise Julia, at Darren Espanto at Morissette.
Abangan ang mas maiinit na numero mula sa BGYO, Dance Sirens na sina Loisa Andalio, Chie Filomeno, at Anji Salvacion, Rockoustic Heartthrobs, Martin kasama ang singing champs, at Darren kasama ang new gen champs. Meron ring Sergio Mendes tribute mula sa OPM icons at nakakatuwang kantahan kasama ang viral TikTok sensation na si Miss Catering.
Makisaya rin sa ASAP hosts na sina Robi Domingo, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Darren, Maymay, at Edward Barbers.
Panoorin ang ASAP, ang Best Music or Dance Programme sa Asian Academy Creative Awards, ngayong Linggo, 12 nn, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide sa TFC.
- Latest