Olivia Rodrigo, inuna ang halu-halo! bitbit ang jowa na English actor

Louis Partridge at Olivia Rodrigo.

“Halo-halo secured!!!!” post ng Fil-Am pop superstar Olivia Rodrigo pagdating niya ng Pilipinas.

“So excited to be in the Philippines,” dagdag niya na may kasamang purple hearts sa halu-halo.

Bitbit niyang dumating sa bansa ang boyfriend na English actor Louis Partridge.

Ngayong araw magaganap ang Manila Silver Star Show (Guts World Tour), sa Philippine Arena, ni Olivia. At handa na ang mga may hawak ng ticket.

Plano nila, madaling araw pa lang ay bumiyahe na sa Philippine Arena, Bulacan, para maka-secure ng parking at upuan.

Dahil P1,500 ang ticket ng lahat, kaya first come first served basis ang sistema. Pero may registration ang mga manonood.

Ang daming natuwa sa naging decision ng production ni Olivia na P1,500 lang ang presyo ng ticket.

Ang laking kamurahan sa ibang local artist natin.

Anyway, kahapon ay namasyal sa Intramuros si Olivia at pinagbigyan ang ibang naki-selfie.

Kabilang sa mga pinasikat na kanta ng Grammy Award winner ang drivers license, traitor, and deja vu. Pinoy ang kanyang ama habang German-Irish ang ina.

Show comments