^

PSN Showbiz

Sine Sindak, isang linggong mananakot

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sine Sindak, isang linggong mananakot
Boss Vincent at SM Cinema Execs.
STAR/ File

Ang lakas ng ‘takot’ sa mga pelikulang kasali sa gaganaping Sine Sindak, ang Halloween-themed film festival ng SM Cinema, na-ika-limang edisyon this year.

Nagbabalik nga ang inaabangang horror filmfest na Sine Sindak 2024 ngayong October.

Ito ay isang annual movie event na inihanda para sa lahat ng mahilig manood ng horror movies, exclusively sa SM Cinemas simula Oct. 30 hanggang Nov. 5.

Ngayong taon, katuwang ng SM Cinemas ang Viva Films, na may apat na entries.

Mula sa produksyon na naghatid ng hit horror movies tulad ng Deleter, Mary Cherry Chua,  Marita at marami pang iba, nakapangingilabot ang movie experience rito.

Abangan ang local film entries na Pasahero at Nanay, Tatay at ang dalawang foreign films na The Thorn: One Sacred Night at House of Sayuri.

Ang Pasahero ay isang suspense-horror film na pinagbibidahan nina Louise delos Reyes, Yumi Garcia, Katya Santos, Mark Anthony Fernandez, Keann Johnson, Andre Yllana, Rafa Siguion-Reyna, Dani Zee at Bea Binene, mula sa direksyon ni Roman Perez Jr.,

Ito ay tungkol sa pitong pasahero ng tren na magiging saksi sa isang karumal-dumal na krimen, pero pipiliing ‘wag makialam at manahimik na lang.

Hindi magtatagal ay bubulabugin sila ng kanilang konsensya at may mga haharaping kapahamakan na may kinalaman sa naging insidente sa tren.

Isang family horror naman ang Nanay, Tatay na pagbibidahan nina Aubrey Caraan, Andrea del Rosario, Heart Ryan, Elia Ilano, Jeffrey Hidalgo, Billy Vileta at Xia Vigor.

Tungkol sa tatlong ulila, sina Olive (Xia Vigor), Paula (Ash Bogay), at Bettina (Aubrey Caraan) na nakatakas sa umampon sa kanilang sina Amanda (Andrea del Rosario) at Lito (Jeff Hidalgo), na nawalan ng anak na si Malena. Natuklasan ng mga ulila na si Malena, na sinapian ng demonyo dahil sa kasunduan ng kanyang mga magulang, ay nakakulong sa stockroom.

Habang hinahabol sila ni Malena, napipilitan ang mga ulila na pagnakawan ang mag-asawa. Ang labanan ay humantong sa ilang pagkamatay, kabilang ang mag-asawa.

Ang The Thorn: One Sacred Night ay tungkol naman sa isang lalaking nawalan ng pamilya dahil sa isang trahedya. Mababalot ng kababalaghan ang kanilang lugar at hihingin nila ang tulong ng lalaki para malabanan ito.

Matapos ang pagtulong, makakahanap ang lalaki ng mga bagong ebidensya tungkol sa pagkamatay ng kanyang pamilya at madidiskubre ang isang masamang espiritung gagambala sa kanya.

Ito ay obra ng kilala at critically-acclaimed director na si Hanny Saputra.

Pang-apat ang House of Sayuri na isang Japanese film tungkol sa pamilyang lilipat sa pinapangarap na bahay. Ang hindi nila alam, ang bahay ay nababalot ng katatakutan at binabahayan ng isang espiritung nagdadala ng lagim sa sinumang nakatira rito.

Hango sa legendary horror comic ni Rensuke Oshikiri, ito ay pelikula ng kilalang Japanese horror director na si Koji Shiraishi.

Sa mga napanood naming trailer ng mga kasaling pelikula sa ginanap na media launching nito noong isang araw sa SM North EDSA Cinema 6, kung saan din nagkaroon ng contract signing between SM and Viva Films, ang lakas manakot ng mga pelikula. Kakakilabot at sakto sa Halloween.

P150 per screening lang ang movie at halagang P300 naman ang all-day pass sa lahat ng entries.

Maaaring bumili ng tickets simula Oct. 9.

Isang linggo itong pagdiriwang ng lahat ng bagay na nakakatakot, na nagtatampok ng horror films, international ang local films.

Ngayong 2024, ang Sine Sindak ay mag-uumpisa sa Oktubre 30 until Nov. 5.

SM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with