Emosyonal si Heart Evangelista sa kanyang mini vlog na ini-upload kahapon. As in tumutulo ang luha niya habang nasa background ang Eiffel Tower.
“Nagdadasal ako na sana okay lahat kasi nag-pictorial ako dati dito, iba ‘yung mga kasama ko,” sabi niya habang nagpupunas ng luha.
“I’d rather be antsy and overthink that everybody is okay than not to care,” dagdag pa niya.
Kaya naman niyakap siya ng kanyang team na kasama sa pagrampa sa katatapos na Paris Fashion Week.
“For everything has a reason …:) trust that all is always for the best.? forever grateful to be blessed by every single one of YOU #pfw #parisfashionweek,” sabi niya sa caption pero wala siyang binanggit kung sino ba ‘yung mga dati niyang mga kasama niyang ‘yun or kung ‘yung stylist ba niyang may hawak na nga ngayon kay Pia Wurtzbach.
Nauna na niyang binanggit na since 2015 or 2016 ay nasa fashion na siya at aminado siyang kinarir niya ang narating sa kasalukuyan. “So, hindi talaga siya shortcut. Hindi siya puwedeng dahil gusto mo siya, gagawin mo ‘yung whatever to get there. It will come, ‘di ba? It will come but it comes with time…time, effort, and just being happy about it, not trying to get ahead. Dapat happy lang,” pahayag niya sa naunang mini vlog.
“Hindi mo naman kailangan maging top. Ako, never ko naging goal maging top. Siyempre, it feels good when you’re acknowledged but then that’s never the goal because once you’re on top, it’s hard to keep that spot,” sabi niya pa.
Of course kanya-kanyang hula ang netizens na sa true lang, parang career na talaga ngayon ang pagiging basher.
MCF, bumalik sa TAPE
Inanunsyo ng Television And Production Exponent Incorporated (TAPE, Inc.) ang pagbabalik ni Malou Choa-Fagar bilang presidente at CEO nito kasunod ng pagbabago ng korporasyon.
Nagpahayag ng suporta si Chairman Emeritus Romeo Jalosjos Sr. sa pagbabalik ni Ms. Choa-Fagar, na binibigyang-diin ang kanyang pangako sa kumpanya at sa hinaharap na pamumuno nito sa industriya.
Binanggit niya ang mga hamon na kinaharap ng TAPE noong wala siya ngunit pinagtibay ang kanyang dedikasyon sa organisasyon.