Lavender... at pamilya..., binasag ang kani-kanilang online viewership

Albert Martinez at Jodi Sta. Maria

Binasag ng Lavender Fields at Pamilya Sagrado ang online viewership records nila sa Kapamilya Online Live sa YouTube nitong Miyerkules (Oktubre 2).

Iba na kasi talaga ngayon, hindi na sa TV nanonood, online platforms na.

Nakamit nga ng Lavender Fields ang bago nilang all-time high peak concurrent views na 657,514 matapos pakinggan ni Zandro (Albert Martinez) ang paliwanag ni Jasmin (Jodi Sta. Maria) tungkol sa kanyang pagtatago sa katauhan ni Lavender Fields at sa pagpapatakas dito mula kina Iris (Janine Gutierrez).

Samantala, panibagong milestone rin ang nagawa ng Pamilya Sagrado bilang kauna-unahang primetime serye sa ika-tatlong slot na makaabot ng lampas 300,000 peak concurrent views.

Nakakuha ang serye ng 307,369 peak views nang abangan ng manonood ang unang pagkikita nina Rafael (Piolo Pascual) at Moises (Kyle Echarri) matapos malaman ng dating presidente na anak pala niya ito.

Hindi rin pinalalampas gabi-gabi ng viewers ang maaksyong eksena sa FPJ’s Batang Quiapo na may pinakamataas na all-time high concurrent viewership record na 729,234 views lalo pa at nanganganib ang buhay ni Tanggol (Coco Martin) sa kamay ni Facundo (Jaime Fabregas) at ang inaabangang paghihiganti ng mga Montenegro sa mga Caballero.

Show comments