Carmina, sinagot ang pagiging matapobre at pakialamera!
Hindi pa rin nagsi-sink in kay Carmina Villarroel na maghihiwalay na silang ng stars ng Abot-Kamay Na Pangarap. Sa lahat pa naman daw na hate ni Carmina ay ang magpaalaman. Kaya tiyak na mag-iiyak daw siya sa Oct. 19 na ending nitong top-rated afternoon drama ng GMA 7.
Pero bago pa man matapos itong seryeng ito, napabalita na ring mag-e-end na rin ngayong buwan ng October ang Sarap ‘Di Ba? niya kasama ang kambal niyang sina Mavy at Cassy. Kaya wala na silang programa sa GMA 7 at wala pa kaming naririnig kung may kasunod na ba silang gagawin. Parang wala e!
Kasabay nito ay may bulung-bulungan na ring may alok si Carmina at baka pati raw ang kambal niya na show sa Kapamilya network.
Natawa si Carmina nang tinanong ito sa kanya sa nakaraang farewell presscon ng Abot-Kamay Na Pangarap.
“Ang bilis naman! Ewan ko nga! Ang bilis naman ng mga usap-usapan,” bulalas ni Carmina.
“Alam mo naman ako ‘di ba, hangga’t wala pa ayoko naman mag-ano… pero like I said, I just wanna take my time sa ngayon. Parang, I just want one day at a time. Since ngayon, we’re still taping. Dito muna ang concentration ko and then magpapahinga muna ako. I have to really let go of Lynette’s character para makapag-move on ako sa iba. Then, we’ll see. We’ll see, we’ll see. I’m not closing my doors.
“I’ve been in this business more than half of my life.
“Isa sa mga lesson na natutunan ko, never burn bridges. Maliit lang ang mundo natin. Mukha lang siyang malaki, pero maliit lang ang mundo natin,” dagdag niyang pahayag.
Pagkatapos ng Abot-Kamay… magsasama pa sina Carmina at Allen Dizon sa isang pelikulang kukunan sa Canada. Doon na rin sa mediacon ng naturang afternoon drama sinagot ni Carmina ang mga opinyon ng ilang bashers laban sa kanya.
Naisyuhan siyang pakialamera sa lovelife ng mga anak niya, lalo na si Mavy at pinagbintangan pang matapobre.
Nagpapasalamat naman si Carmina sa mga anak niya, lalo na si Mavy na ipinagtanggol siya sa bashers nito.
Ipinaliwanag na rin niya itong mga ibinibintang sa kanya ng bashers.
“Ang point ko lang, ganito lang po ‘yun. Kung masama akong tao, kung sinasabi nila, matapobre ako o pakialamera ako, or ganito ganito. E dapat noon pa. Dapat noon pa natsismis na ‘yan, na masama akong tao, ganito ganyan.
“But if you look back, ‘yung mga tsismis, wala kayong nakikitang ganun. I’m not saying I’m perfect. Nobody’s perfect. Pero wala kang maririnig sa akin na diva ako, o matapobre ako. Ngayon na lang o nung last year na lang na… so it’s only… I don’t wanna say it, I don’t wanna think about it. But, parang lumalabas lang na meron talagang gustong manira sa akin at sa pamilya ko. Let’s all face that.
“Kasi, sino naman ang gagawa na all of a sudden, bigla na lang na may gagawang ano. It’s just so sad na ang social media ngayon, may nabasa lang, may napanood lang, papaniwalaan agad. Without really identifying o without really researching, or knowing the truth o pinagsimulan nang video. Kasi ngayon ‘di ba? ‘Yung video dati sa podcast namin na Wala Pa Kaming Title na ginawa namin during pandemic. So, ‘pag titingnan mo ‘yung timeline, ang layo. So, kung ano man ‘yung sinabi ko noon, I wasn’t pertaining to anyone. It was just a question na inano sa akin na parang out of the blue… again, I wasn’t pertaining to anyone. And kilala n’yo naman ako. ‘Pag meron akong sama ng loob sa isang tao, hindi ako nagaganyan,” sabi pa ni Carmina Villarroel.
Political dynasty, iniisyu kila Ate Vi
Natuloy nga ang pag-file kahapon ng mag-iinang Vilma Santos, Luis Manzano at Ryan Christian Recto sa lalawigan ng Batangas.
Si Ate Vi ang tatakbo muli bilang Governor ng Batangas at ang kaibahan nito, ang anak niyang si Luis ang running mate.
First time ngayong pumasok ni Luis sa pulitika, at tatakbo siyang Vice Governor ng naturang lalawigan.
Ang bunsong anak naman ni Ate Vi at Secretary Ralph Recto na si Ryan Christian ay tatakbo namang Congressman ng 6th district ng Batangas.
Nung makapanayam ko via Viber si Ate Vi noong July habang nasa Amerika nagbabakasyon siya, sinabi na niyang nakikita na niya sa puso ng kanyang mga anak ang pagsilbi sa mga tao.
Marami na ang nagsasabing tiyak na ang pagkapanalo nilang tatlo dahil sa magaganda namang serbisyo noon ni Ate Vi.
Pero baka nga raw gagamitin ito ng mga kalaban niya itong pagtakbo nilang mag-ina.
Nagpadala kami ng mensahe kina Luis at Ate Vi para sagutin sana ang sinasabing political dynasty, pero hindi pa sila sumagot as of press time.
- Latest