Dra. Belo, nagamit sa panloloko

Vicki Belo

Grabe ang balitang pati si Dra. Vicki Belo ay ginagamit ng scammers.

Totoo bang may tinatawagan na mga prominenteng tao gamit ang pangalan ni Dra. Belo para makakolekta ng perang donasyon daw for ABS-CBN Foundation para sa mga sinalanta at winasak ng bagyo at pagbaha?

Grabe ang mga taong ganito ‘no?

Makonsyensya naman sana ang mga mapagsamantalang ito, ‘di ba?

Troy trending, kinahumalingan noon

Oh, bakit nag trending si Troy Montero? Ayun, kumalat pala ang kanyang sex video na kahit noong kabataan pa niya ay may ipagmamalaki pa rin!

Kaya ba nahumaling sa kanya ang isang singer, isang beauty queen at maraming baklitang nagkainteres sa kanya noon? Pero ang nagwagi ay ang hottest sexy star of his time na si Aubrey Miles. At least, patas!

Nakakatawa lang ang comment ng dating manager ni Troy na nagsabing, tigilan na siya ng mga tawag at messages dahil wala siyang kailangang i-explain at wala siyang kinalaman doon sa video at all. Tama naman, ‘di ba?

Sari-saring reaction…

Sari-sari ang reaksyon ng mga tao sa pagfi-file ng kandidatura ni Vilma Santos (governor), Luis Manzano (vice governor) at Ryan Christian Recto (congressman) sa susunod na eleksyon sa Batangas. Dynasty raw?

Ito na, pero sila lang ba?

Nandyan din ang mga Binay, Villar, Revilla, Tulfo, Cayetano, Marcos at marami pang iba.

Malou Choa Fagar, bumalik sa TAPE

Pinasalamatan ng Chairman Emeritus Romeo G. Jalosjos Sr. ang pagbabalik ni Malou Choa Fagar sa kanyang kumpanya.

Ang sabi’y, “We are thrilled to welcome Malou back to TAPE. Her return signifies her unwavering dedication to reclaiming the company’s industry leadership. Despite the challenges TAPE faced during her absence, her unyielding spirit never wavered. Malou is family to us, always ready to share her exceptional expertise and leadership.”

Nasa TAPE, Inc. si MCF for 41 years, na nagsimula bilang production assistant tapos ay naging punong abala na sa mga programang tulad ng longest standing noontime variety show na Eat Bulaga!

Nakaka-excite lang ang mga gagawin ni MCF sa TAPE. In fairness, bagong trabaho ‘yan para sa mga kasamahan natin sa industriya, ‘di ba? Kaya dapat masaya!

Nakakataquote:

“Souk, sand, beach, gastronomy, luxe, M5… Dubai is!” – Erik Santos

Show comments