Lovi, ayaw sa frontal nudity

Lovi Poe

Ngayong may sarili ng film production company ay nagpaplano na si Lovi Poe na gumawa ng mga international projects. Kamakailan ay nailunsad ang C’est Lovi Productions na pag-aari ng aktres at asawang si Monty Blencowe. “I hope… marami kaming big projects na naka-line up. For international projects, we have a few. I enjoy it, it’s fun. I do things for creative side, script, concept, casting. My husband does the financial things. I am lucky that headache is not mine to carry. We are very collaborative together,” pagbabahagi ni Lovi.

Kahit isa nang film producer ay hindi naman daw pinagbabawalan ng mister na mag-artista pa rin si Lovi. Suportado umano ni Monty ang lahat ng ginagawa ng aktres. “Wala akong limitation. ‘Wag lang full nudity. It is fine, it is part of my job and storytelling what we showcase here is reality. Monty is not the type to stop,” pagtatapat ng aktres.

David, may misyon sa boy scouts

Nahirang si David Licauco bilang Scout Ambassador ng Boy Scouts of the Philippines o BSP. Umaasa ang aktor na magagampanan ng bawat boy scout ang tungkulin para sa paglilingkod at pagmamahal sa bayan.

 Inihalintulad ni David ang kanyang karakter sa Pulang Araw na si Hiroshi sa isang boy scout. “Hiroshi kasi always does his best, as he is living his principles and beliefs. And sana ma-impart ko ‘yon, ‘yung character ko sa mga bata, specifically dito sa Boys Scouts of the Philippines. If they want something, as long as they think it’s right, they think na wala silang tatapakang tao. They have to do their best at all times,” nakangiting pahayag ni David.

Para sa aktor ay malaki ang naitutulong ng pagiging boy scout sa personal na buhay ng isang tao.  Magsisilbing inspirasyon si David ngayon sa mga kasapi sa BSP. “All these kids, probably they’re better than me when I was younger. But now, I don’t know, hopefully they look up to me. So, I have to live up to those expectations,” giit ng nakilalang Pambansang Ginoo.

Bukod sa pagiging aktor ay naniniwala si David na malaking bagay ang pagkakaroon ng iba’t ibang platform upang maging magandang ehemplo para sa mga kabataan.

Gagawin ng binata ang lahat ng kanyang makakaya upang magampanan ang tungkulin bilang isang Scout Ambassador. “There is a bigger meaning in being a celebrity that you can actually inspire people and be a game-changer for their lives. So, I won’t take it for granted and I’m gonna do my best for them, for me to influence them, hopefully, to be good,” pagtatapos ng Kapuso actor. — Reports from JCC

Show comments