^

PSN Showbiz

Heart naunang nag unfollow kay Pia?!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Heart naunang nag unfollow kay Pia?!
Heart Evangelista at Pia Wurtzbach

MANILA, Philippines — Pabor ang nakararami sa balitang in-unfollow nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach ang isa’t isa sa Instagram. Tama lang daw ang ginawa ng dalawa at may mga nagtaka pa nga kung bakit ngayon lang sila nag-unfollowhan sa IG.

Ang gusto na lang malaman ng mga netizens ay kung sino sa dalawa ang unang nag-unfollow sa isa’t isa.

Bagama’t ang kuwento nauna na raw si Heart na nag-unfollow.

Kung sabagay, halos magsabunutan na ang kani-kanyang supporters sa pagtatanggol sa kanila at pakikipag-away.

Nasa Paris pa rin ang dalawa, rumarampa pa sila sa Paris Fashion Week, pero sabi ni Heart, parang last fashion show na niya ang sa Louis Vuitton, pero may post pa rin siya ng show ng Balmain.

Napanood din namin ang isa sa reels ni Heart kung saan, sinabi nitong may shows na hindi na niya pupuntahan. Napagod na siguro ito at hindi dahil kinulang siya nang isusuot dahil provided ng mga nag-iimbita sa kanya ang OOTD niya.

Hindi rin dahil sa wala siyang sapatos dahil ang dami niyang dalang sapatos sa Milan Fashion Week at Paris Fashion Week. Para raw sumobra ang dala niyang sapatos na binilang ng isa niyang fan at 35 pares, based lang sa nakita sa post ni Heart. Hindi pa kasama sa bilang ang wala sa larawan.

Jessy, handa nang maging misis ng pulitiko

Natawa kami sa tanong ng isang netizen na “Yung mga dog po ano po surname?” Ito ay sa post ni Jessy Mendiola sa Instagram ng Manzano- Santos-Recto family. Ang caption kasi ni Jessy sa kanyang post ay “Manzano-Santos-Recto” na kasama nila ni Luis Manzano at Baby Peanut sina Department of Budget Sec. Ralph Recto, Ryan Christian, at Vilma Santos-Recto.

May kasama silang three dogs sa photo at na curious lang ang netizen. Hindi man sumagot si Jessy sa tanong, may follower siya na sumagot ng “ManSanRec.”

Anyway, may nag-welcome na agad kay Luis Manzano sa pagpasok niya sa pulitika at pagtakbong Vice-Governor sa Batangas. Ang ganda ng comment ng netizen na “Embracing you here in Batangas Sir!” na sinagot ni Luis ng “Salamat.”

May tumatawag na nga kay Luis ng “Vice Gov” dahil sure na raw ang panalo nito. Si Batangas Vice Gov. Mark Leviste kaya ang makakalaban ni Luis sa nasabing posisyon?

Siguro naman, ready na si Jessy maging politician’s wife. Simula lang sa political career ni Luis ang posisyong Vice Governor dahil siguradong may mga plano pa ito sa mas mataas na posisyon.

Fans ni Liza, nadiskubre na agad ang bagong management

Ang bilis ng mga fans, agad ginu-google ang Signed By Wild nang malamang ito ang bagong talent management ni Liza Soberano.

Sabi ng bashers ni Liza, hindi naman siya singer, paano siya ima-market ng Signed By Wild? Tanong pa nila, kung magiging singer at recording artist na lang daw ba ang aktres at hindi na siya aarte?

May nagtanong pa kung ano na ang nangyari sa Hollywood career ni Liza dahil after one movie, wala na siyang project. May nag-comment pa na mukhang magpo-focus sa Asia si Liza dahil nga sa kinuhang talent management.

May mga nagbiro naman na from Careless, nasa Wild na si Liza. Ano raw kaya ang susunod? Maraming binanggit ang netizens at idinaan na lang sa comedy ang kanilang mga comment sa balitang may bago ng talent management si Liza.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with