Jas, Dingdong, Patrick, Therese, at Jarren, balik-bahay bilang House Challengers
MANILA, Philippines — Ngayong pitong housemates na lamang ang natitira, mas hihigpit pa ang kompetisyon nang pabalikin ni Kuya ang mga evictee na sina Jas, Dingdong, Patrick, Therese at Jarren bilang House Challengers na susubok sa kanilang katatagan at samahan ngayong linggo sa PBB Gen 11.
Matapos ma-evict ang Fil-Brit Housemate na si Jarren nitong Sabado (Setyembre 28), inatasan siya ni Kuya na manatili muna sa loob ng kanyang pamamahay para maging isa sa House Challengers na magpapayanig sa mga Housemate.
Kasama niyang reresbak ang mga nagbabalik-bahay na sina Jas, Dingdong, Patrick, at Therese. Sa kanilang unang pasabog, pinangunahan nila ang pagpapalayas sa mga natitirang Housemate at sila muna ang mamamalagi sa loob ng bahay. Pagkatapos nito ay babalik din sila sa outside world.
Samantala, binasag muli ng programa ang all-time online views record nito matapos magtala ng mahigit 606,000 concurrent views sa Kapamilya Online Live via YouTube nitong Sabado.
Nanganganib naman ngayong linggo sina Binsoy, JM, JP, at Rain na mapalabas ng bahay ni Kuya nang mapatawan sila ng automatic nomination matapos mabigo sa kanilang LigTask challenge.
Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong Housemate na nais nilang mailigtas, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.
Atom Araullo specials, wagi ng Silver Dolphin Trophy sa Cannes!
Nakatanggap ng bagong panalo ang GMA Public Affairs’ multi-awarded bi-monthly documentary program na The Atom Araullo Specials kung saan naiuwi ng The Atom Araullo Specials: Hingang Malalim ang Silver Dolphin Trophy sa Cannes Corporate Media and TV Awards sa France.
Unang ipinalabas noong taong 2023, itinampok ng The Atom Araullo Specials: Hingang Malalim ang buhay ng mga masipag na maninisid ng perlas sa Sulu. Ibinahagi ng winning documentary ang kwento ni Tatay Bulloh, isang maninisid ng perlas na patuloy na sumisisid sa dagat kahit nalalagay sa panganib ang kanyang buhay para humanap ng perlas na makakatulong na mairaos ang kanyang pamilya.
Tinanggap ng award-winning host na si Atom Araullo ang parangal para sa programa at GMA Network.
Unang natanggap ng The Atom Araullo Specials noong 2022 ang unang panalo nito sa Cannes Corporate Media and TV Awards matapos maiuwi ng The Atom Araullo Specials: Munting Bisig ang isang Silver Medal for Documentaries and Reports (TV, Online, and Cinema) sa Human Concerns and Social Issues category.
Ginaganap taun-taon ang prestihiyosong Cannes Corporate Media and TV Awards kung saan pinararangalan ang world’s finest corporate films, online media productions, at documentaries sa isa sa pinakamahalagang film centers, sa Cannes, France.
- Latest