Wilma Doesnt, nagsauli ng damit na may naiwang ‘amoy’?!

Wilma Doesnt

Papatapos na pala talaga ang Abot-Kamay Na Pangarap na tumakbo ng may dalawang taon din.

Pero totoo ba ‘yung balitang nagsauli si Wilma Doesnt ng damit na may tsismis na naiwan?

Totoo bang uminit ang ulo ng isang award-winning actress dahil hindi siya napagtirhan ng pagkain sa isang piging ng produksyon?

Maganda ring malaman, sa haba ng tinakbo ng teleserye, ano ang naipundar nila from their regular talent fee for almost two years?

Kathden, gagawin ang lahat para kumita ang kanilang hla!

Bukas na, Oct. 3, ang simula ng ratsada ng promo ng Team Hello, Love, Again para siguruhing magiging major box office hit ang pagbabalik pelikula ng KathDen sa November.

Magkasama kaya sa team sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, at sino ang makakalaban nila sa paglalaro nila sa Family Feud?

Makikita ba natin ang sinasabi nilang kakaibang closeness ng dalawa ngayong mas malaya na sila? Sana, sana!

Doc Willie, pinapayuhang unahin ang sakit

Medyo extreme ang ginagawa ni Doc Willie Ong na pagkatapos ibunyag na may binubuno siyang cancer ay heto’t tatakbo pa rin pala siya sa darating na eleksyon.

Totoo bang may pelikula based on his story? Sino kaya ang napisil na gumanap na Doc Willie Ong?

Tanong ng mga netizen, hindi kaya dapat mas pagtuunan ng pansin ni Doc Willie ang kanyang personal na kalagayan bago pa ang pulitika? Sana.

Writer na si Roy Iglesias, bumitiw sa MMFF 50 selection committee!

Nakikiramay ang ating industriya kay Sir Roy Iglesias sa pagyao ng kanyang asawa na si Zenaida Pascua Iglesias. Nasa Garden of the Divine Word nakahimlay ang maybahay ni Sir Roy Iglesias, at isa sa mga napag-usapan sa wake ay ang pagbibitiw ni Sir Roy sa Metro Manila Film Festival 50 Selection Committee. Dahil ba may entry ito Golden Year ng MMFF?

Napag-alaman natin na si Sir Roy pala ang writer ng Fatherland na pinagbibidahan ni Inigo Pascual at Cherry Pie Picache, directed by Joel Lamangan.

Makakapasok kaya ito sa Magic 10 entries ng espesyal na taon ng MMFF? Abangan natin!!!

Nakakataquote:

“Heard that Ms. Vilma Santos-Recto is running for Governor of Batangas next year with his son Luis Manzano as her running-mate for Vice-Governor and his other son Ryan Christian Recto for Congressman. If this is true, I find this very odd - as in MALI- SOBRANG MALI. If mother and son win for Governor and Vice Governor and her other son as Congressman, ano na mangyayari sa probinsiyang ito - transformed into Recto Country? Whew! Onli in da Pilipins.” – Jobert Sucaldito, showbiz commentator

Show comments