Maymay, amakabogera sa Paris

Maymay Entrata

Literal na amakabogera ang Kapamilya star na si Maymay Entrata matapos ibida sa kanyang social media pages ang unang rampa niya sa Paris Fashion Week.

Umawra-awra siya sa runway para sa designer na si Leo Almodal at Vietnamese designer na si Phan Huy.

“This is my 1st look by @phanhuy.official @stevendoanstyle And my first runway in Paris Fashion Week, I will for sure treasure this talaga, Thank you so much for having me po,” aniya sa isang caption

At kumintab siya dahil sa suot na golden gown.

Yup, gintung-ginto ang kulay ng kanyang gown na gawa ni Almodal hanggang sa kanyang head accent!

Bukod sa rumampa, bumirit pa siya ng Amakabogera.

May karanasan na si Maymay sa international catwalk nung rumampa siya sa Dubai para sa sikat na Filipino designer na si Furne One.

Show comments