Carlos Yulo pakakasal na? may supply na rin ng ice cream

Eumir Marcial, Carlos Yulo, at Nesthy Petecio

Nagbabalak na bang pakasalan ni double Paris Olympic gold medalist Carlos Yulo ang controversial girlfriend niyang si Chloe San Jose?

Nag-flex nga ang vlogger / wannabe actress ng letter sa kanya ng jowa para sa kanilang 52nd monthsary.

Nabanggit niya sa nasabing sulat na excited na siyang maging daddy at asawa.

Heto ang kumpletong message ni Carlos o Caloy :

“THANK YOU PO LORD SA PANIBAGONG ARAW AT BUHAY NA IPINAG-KALOOB NYO PO SA AMIN, HE HE.

“PARA SAYO MAHAL KO! MARAMING MARAMING SALAMAT SA BINIGAY MONG SUPORTA AT PAGMAMAHAL SA AKIN. SOBRA AKONG NATUTUWA AT HUMAHANGA SA NAGING JOURNEY AT MGA NANGYAYARI PA SA BUHAY NATIN NGAYON, UNTI-UNTI NA NATING NAAABOT YUNG MGA PANGARAP NATIN SA BUHAY NANG SABAY =)

“LAHAT NG SAKRIPISYO MO PARA LANG MASUPORTAHAN AKO, SOBRA KO PO YUN NA APPRECIATE MAHAL KO! AT LAHAT NOON AY WORTH IT! SALAMAT PO NG MARAMI MAHAL KO AT SINAMAHAN MO KO SA JOURNEY NA TO. DI NAGING MADALI, PERO DI KA SUMUKO, KATABI KO. INALALAYAN, GINABAYAN, SUMUPORTA NG WALANG SAWA, PINAGPASENSYAHAN AT HIGIT SA LAHAT MiNAHAL MO AKO NG SOBRA.

“ALAM KONG MARAMI PA TAYONG MAPAPAG-DAANAN SA BUHAY, PERO HANDA AKO NA SALUBUNGIN LAHAT YON KASAMA KA =)

“WE DID IT MAHAL KO! NOW LET’S FOCUS ON OUR NEXT GOALS! AT SYEMPRE, EXCITED NA KO MAGING DADDY AT ASAWA HEHE. HABANG INAABOT MO NAMAN ANG PANGARAP MO, MAHAL KO NANDITO AKO NAKASUPORTA AT MAMAHALIN KA NG BUO! HAPPY 52ND MONTHSARY PO ULIT MAHAL KO! MAHAL NA MAHAL PO KITA – MAHAL,” aniya na kalat sa social media kahapon.

Pero as usual, medyo negatibo ang reaction ng ibang netizens, grateful daw siya sa karelasyon pero sa kanyang pamilya, parang nakalimutan na niya.

Ganunpaman, parang hindi naman apektado si Carlos dahil tuloy ang buhos ng biyaya sa kanya. Last week ay tumanggap na naman siya ng karagdagang P2 million mula sa Aice Ice Cream, ang worldwide olympic partner ng International Olympic Committee (IOC) at ang opisyal na ice cream ng Philippine Olympic Team at ng Philippine Olympic Committee (POC), kung saan pinarangalan nila ang mga atletang Pinoy sa pamamagitan ng Saludo, Atletang Pilipino Thanksgiving Celebration noong Setyembre 26, 2024.

Bukod sa double Olympic gold medalist at Philippine gymnastics phenom, kabilang din sa pinarangalan ang two-time Olympic boxing medalist Nesthy Petecio, kapwa Pilipino at two-time Olympian boxer na si Eumir Marcial, presidente ng Gymnastics Association of the Philippines, Cynthia Carrion. Sinamahan din sila nina World Vovinam Championship gold medalist Hergie Bacyadan at Joanie Delgaco, ang unang babaeng Filipino rower na nag-qualify para sa Olympics.

Bilang bahagi ng pangako nitong isulong ang malusog na pamumuhay at pagpapalaganap ng kaligayahan, patuloy na nakikiisa ang Aice sa likod ng mga atletang Pinoy na nakarating sa Paris Olympics, na naglalayong magbigay ng inspirasyon sa pagkakaisa at pagmamalaki sa komunidad.

Nagbigay ang Aice ng P2,000,000 at isang taong supply ng Aice ice cream na may freezer kay Yulo; P300,000 at isang taong supply ng ice cream na may freezer bawat isa kina Petecio at Villegas para sa kani-kanilang mga medalyang panalo.

Anyway, sa buhos na incentives kay Carlos, kahit nga pakasal sila parang sapat na hanggang magkaanak pa sila ni Chloe.

Pero ‘yun nga, kulang ang lahat kung hindi siya makikipag-ayos sa kanyang pamilya.

Bago ang nasabing 52nd monthsary nila, pinag-usapan din si Carlos dahil sa kanyang suot ng  blue shirt crop top na karaniwang sinusuot ng mga kababaihan habang naka-body bag na Louis Vuitton na madalas ding pambabae.

Literal na binasag niya ang mga stereotype ng kasarian.

Kuha ang nasabing pictorial sa kanilang biyahe ng gusto niyang pakasalan sa South Korea. Isang certified fashionista si Carlos base sa mga pino-post niya.

Show comments