Pambato ng ‘pinas sa Ms. Cosmo, na-injure

Ahtisa Manalo

Na-injure raw si Ahtisa Manalo sa Vietnam para sa Miss Cosmo International pageant kaya hindi siya nakadalo sa ibang activities nila last weekend.

Pero ok na kaya si Ahtisa na inaasahang magwawagi sa kauna-unahang pageant na ito?

Sana naman! Malaki-laki ang premyo rito ha!

Wait and see tayo!

Angeli, binalikan ang ginawa ni martin nung manganak siya

Nakakatawa ang asawa ni Mr. Pure Energy Gary V na si Angeli Pangilinan na sa post tungkol sa Concert King 42ever ni Martin Nievera ay tungkol pa rin sa pamilya Nievera at Valenciano ang kuwento. Sinabi rin nito ang tungkol sa panganganak nito kay Direk Paolo ay nandun si Martin. Kaya inaabangan ng mga tao ang sagot ni Angeli sa comment ni Martin sa post nito na: “Wow I have heard this story told so many different ways. Hahahaha but did you like the show? How did I do?”

Maganda ring itanong, magkaka-repeat din kaya ang Martin Araneta Coliseum concert this year?

Abangan natin ‘yan!

Cedrick Juan, naudlot sa anino...

Totoo ba ang nasagap na balita tungkol sa pagkakasama nina Ross Pesigan at Martin del Rosario sa stage version ng Anino sa Likod Ng Buwan na roles dati nina Anthony Falcon at Luis Alandy? Sino naman ang magiging leading lady nila na ginampanan ng Urian Best Actress Awardee na si LJ Reyes?

Hindi ba natuloy si Cedrick Juan dito? Bakit kaya? Dahil ba inuna na niya ‘yung UP play? Buhay na buhay talaga ang teatro!

Show comments